Iza napaiyak sa presscon ng Ang Sa Iyo Ay Akin: Oh my God! Shocks, sorry!
PAULIT-ULIT ang pasasalamat ni Iza Calzado sa panibagong buhay na ibinigay sa kanya matapos makipaglaban sa COVID-19.
Kitang-kita ang kaligayahan at excitement sa mukha ng aktres nang makaharap ang members ng media para sa online presscon ng latest Kapamilya series na “Ang Sa Iyo Ay Akin”.
Present din sa virtual mediacon ang iba pang cast members ng serye na sina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria at Sam Milby with directors FM Reyes and Avel Sunpongco kasama ang staff at crew ng JRB Creative Production.
“Sa totoo lang napaka-grateful ko. The fact na nag-uusap tayo ngayon, the fact na nandito pa ako ngayon is something I am grateful for everyday apart from this show actually being given a green light, parang ang daming pinagdaanan ng show, ang dami nating pinagdaanan lahat ng Filipino.
“Personally, medyo mahirap-hirap din yung pinagdaanan ko earlier this year na para bang pag-iniisip talaga naming lahat, parang nu’ng pinag-usapan naming lahat sa town hall meeting namin sa show within the cast na parang we have been chosen by God to do this, parang ganu’n, eh.
“Ganu’n yung pakiramdam. Parang kami yung una ngayon sa ganitong bagong platform natin, so I’m beyond grateful,” ani Iza tungkol sa nalalapit na pag-ere ng kanilang serye.
Aniya pa, “Parang we went through so many challenges kaya siguro talagang ramdam na ramdam namin yung magandang feedback. And we are very excited na lahat ng pinaghirapan namin ay mapapanuod niyo na.
“So, siguro yun yung pakiramdam ko ngayon. Despite the challenges, tuloy ang laban,” anang aktres.
“We were supposed to launch in March. Nag-release na kami ng trailer and then nangyari lahat ito. Bonus siya pero alam mo kahit ano man ding timeslot kami ay grateful. God moves in mysterious ways I tell you.
“Hindi namin talaga alam, biruin mo nga kung saan kami nagsimula tapos nandito kami ngayon nandito pa rin kami. At hindi rin namin alam kung saan dadalhin ng Diyos ang show na ito.
“So, we just lift this up to God at pinaghirapan talaga ito ng buong team. This is the first time na hina-highlight pati mga tao sa likod ng camera. Kaya sobrang nakakatuwa. First time natin gawin lahat ito. Nakakatuwa and napaka-exciting talaga ng mga bagay, bagay,” kuwento pa ng COVID survivor.
Inamin din ng aktres na may pag-aalinlangan din siya sa pagbabalik nila sa taping, “Bilang COVID survivor, hindi ko sinasabi na I’m walking around fearlessly. Siyempre meron ako at that time when we went into the lock in, I knew I still had antibodies.
“So, kung ako, parang inisip ko tapos na ako diyan pero hindi ako nagpakasiguro dahil hindi natin alam hanggang kailan ang antibodies. Like marami pa tayong hindi alam sa sakit na ito ‘di ba?
“Of course, there was some fear, there were concerns na magiging safe ba tayo? But ABS-CBN prepared very strict guidelines that we kept on trying to meet. Production was making sure na nasusunod.
“In-allow ng Diyos, so kasama sa pag-allow niya na kami ay ma-green light at umarangkada, ay yung protection at safety. Araw-araw na lang tuloy ang aming dasal at pag-iingat,” chika ni Iza.
Samantala, bago matapos ang digicon, sinorpresa siya ng produksyon at kinantahan ng “happy birthday”. Turning 38 na ang aktres sa Aug. 12.
Napaluha si Iza sa pa-surprise sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho, “Oh my God, thank you! Shocks, sorry, I was completely caught off-guard,
“Sorry, I don’t want to hijack this presscon, this is not about me. But then, this is probably the most meaningful birthday in my life. So thank you for being the first to sing ‘Happy Birthday’ to me. I’m really grateful to be alive,” mensahe ni Iza.
Abangan ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live simula sa Aug. 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.