Kris hindi nang-iiwan sa mga taong loyal sa kanya | Bandera

Kris hindi nang-iiwan sa mga taong loyal sa kanya

Reggee Bonoan - August 08, 2020 - 02:58 PM

PALAGING sinasabi ni Kris Aquino na mababaw lang ang kaligayahan niya.

Basta’t mahalin lang nang husto ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby ay mamahalin ka na rin niya.

Bukod pa sa marunong din siyang magsukli sa mga taong mahal siya at hindi iniwan sa mga panahong wala na siyang programa.

Kaya naman puring-puri niya ang dati niyang headwriter na si Darla sa mga programa niya noon sa ABS-CBN na naging malapit na rin niyang kaibigan.

Isama na rin natin ang dating kanang kamay ni Kris at ngayon ay Chief of staff na niyang si Alvin Gagui at ang dalawang nagpapaganda sa kanyang make-up artist/stylist na sina Jonathan Velasco at RB Changco.

Kuwento ni Kris sa video na kuha ng Cornerstone Entertainment para sa programa niyang “Love Life with Kris” sa TV5, importante sa kanya ang loyalty at sincerity.

‘”Si Darla kasi hindi na siya nagtrabaho for me, hindi na niya ako pinakinabangan pero hindi naputol ang communications lahat ng ginawa kong projects sinuportahan niya ng walang kapalit.

‘’I would also like to pay tribute to Alvin kasi hindi matatawaran ang mga taon that we’ve been together. It’s close to 15 years.

“And ‘yung dalawang nagpapaganda sa akin, si RB at si Jonathan, come what may hindi nila ako iniwan. So, I define loyalty by the people who are still with me.

“And I also want to say na ‘yung hindi nang-iwan sisiguraduhin ko na habang buhay, e, maasahan nila ako,’’ seryosong pahayag ng nananatiling Queen of All Media kahit nawala pa siya sa telebisyon ng ilang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa ni Kris, “Yes may mana kayo (sa mga taong nabanggit niya). Nagtinginan, eh! Ha-hahaha!’’

Ganyan talaga si Kris, iba siyang magpahalaga sa mga taong nagmamahal at loyal sa kanya. Sinusuklian din niya ito ng kabutihan at pagtanaw ng utang na loob.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending