Coco, Vice imposible pang lumipat sa TV5, money maker pa rin ng ABS-CBN
MALIWANAG na fake news ang lumabas na kuwento tungkol sa negosasyon umano sa pagitan ng TV5 at ng kampo nina Vice Ganda at Coco Martin.
Matatandaang sinulat ng dating broadcaster na si Jay Sonza sa kanyang social media ang balitang tinanggihan si Vice ng TV5 dahil sa asking price nitong P3 million talent fee kada buwan.
Kasabay nito tinanggihan din daw ang offer ni Coco sa primetime slot dahil nga nakuha na ito ng APT Entertainment.
Sinakyan naman ito ng ibang vlogger na in-upload pa sa kanilang YouTube channel, kasama na ang pag-pick up sa balitang isinulat namin dito sa Bandera na walang offer si Coco sa TV5.
Nabanggit ni Direk Perci Intalan na may umeere pang “FPJ’s Ang Probinsyano” si Coco at siya rin ang direktor kaya bilang pagrespeto ay hindi sila nag-attempt na mag-alok o makipag-usap sa kampo ng aktor.
Tungkol naman kay Vice, may umeere pa raw itong “It’s Showtime” at nagbukas na rin ng bagong digital network.
Kaya ani Direk Perci na consultant ngayon sa entertainment department ng TV5, malabo talagang mag-apply o alukin ang TV host-comedian dahil siguradong mas prayoridad niya ang mga ito.
Kaya halatang may naninira sa dalawang pangunahing aktor ng ABS-CBN dahil sila pa rin ang money maker ng nasabing Kapamilya network.
Samantala, may three-week recap ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na napapanood ngayon sa Kapamilya Channel para sa mga hindi nakasubaybay at base rin sa nakuhang datos ay umabot naman sa 37 billion views ang lahat ng palabas sa nasabing platform.
At ang Vice Ganda Network naman ni Vice ay kasalukuyang inaayos mabuti ng Viva para hindi na muling mag-crash kapag nagbukas na ulit.
Hindi lang daw kaagad ito naayos dahil skeletal ang pasok ng mga empleyado at ang rank and file ay work from home pa rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.