Willie pangarap maging Tito, Vic & Joey: Awa ng Diyos meron ako sarili ko lang | Bandera

Willie pangarap maging Tito, Vic & Joey: Awa ng Diyos meron ako sarili ko lang

Ervin Santiago - August 07, 2020 - 09:17 AM

PANGARAP ni Willie Revillame ang marating kahit na kaunti ang tagumpay ng Eat Bulaga nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Binati ng TV host-comedian ang longest-running noontime show sa bansa na nagse-celebrate ngayon ng kanilang 41st anniversary ngayong taon.

“Congratulations sa ‘Eat Bulaga’. 41 years na po sila na nagbibigay ng isang libo’t isang tuwa sa buong mundo. Iyan po ang ‘Eat Bulaga,'” ang mensahe ni Willie sa noontime show sa nakaraang episode ng “Wowowin-Tutok To Win.”

Aniya pa, “Fourty-one years nagbibigay (ng saya at tulong sa mga Pinoy). Isipin niyo, mga bata pa lang tayong lahat,” saad pa ng TV host.

Aminado si Kuya Wil na naging inspirasyon talaga niya ang “Eat Bulaga” sa pagiging host ng variety-game show.
Napakataas daw ng respeto at paghanga niya sa “Eat Bulaga” at sa lahat ng taong bumubuo sa programa dahil tumagal nga ito ng 41 years sa ere and still counting.

“Actually ‘yan ang inspirasyon ko. Isang pangarap ko ‘yan, Tito, Vic and Joey, na maging ganoon.

“Awa ng Diyos wala akong Tito, wala akong Vic, wala akong Joey. Meron akong sarili ko lang,” ang natatawang chika ni Willie.

“Ganu’n ang buhay eh. Sila lang ‘yan eh. Ang dami nang tumapat pero wala… walang tumibag, wala talaga. Kaya nga tama si Mr. Joey de Leon, laging may bulaga sa kasiyahan,” pahayag pa ng komedyante.

Samantala, kahit na bumalik sa MECQ ang Metro Manila at ilang probinsya, tuloy-tuloy pa rin ang ang pagpapasaya at pagtulong ng “Eat Bulaga” at “Wowowin” sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending