Bagong 'Talentadong Pinoy' ni Ryan sa TV5 pwedeng pagkakitaan; hindi na pipila sa audition | Bandera

Bagong ‘Talentadong Pinoy’ ni Ryan sa TV5 pwedeng pagkakitaan; hindi na pipila sa audition

Reggee Bonoan - August 05, 2020 - 05:27 PM

IPINAGDIINAN sa amin ni Direk Perci Intalan na consultant lang siya sa TV5 at hindi babalik bilang empleyado tulad noong naging head siya ng Entertainment department.

Marami kasing pinagkakaabalahan ngayon si direk Perci sa itinayo nilang production house na IdeaFirst Company kasama ang asawa niyang si Direk Jun Lana tulad ng pagpo-produce ng mga pelikula at digital series.

“Give chance to others na ako, consultant lang talaga,” masayang sabi ni PMI (tawag namin kay Perci) nang maka-chat namin nitong Martes ng gabi.

Ang magiging trabaho ni direk Perci bilang consultant ay ang pag-aprub ng mga last minute na pagbabago ng line up ng show dahil habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa buo ang mga bago nilang programa.

Aniya, “Alam mo naman ang free to air, never naman saradong-sarado lahat. Laging may nababago sa plano o nadadagdag. Actually, du’n rin ako nakakatulong sa kanila kasi sanay na ako sa mga last minute changes sa TV. Pero at least marami-rami nang nasa plano.”

Ang tanging pakikialamang show ni direk Perci ay ang “Bangon Talentadong Pinoy” na iho-host ni Ryan Agoncillo dahil co-produced ito ng IdeaFirst Company at ng TV5.

Ito na ang bagong “Talentadong Pinoy” na unang umere sa Kapatid network noong 2008.

Inabot ng dalawang araw ang taping ng pilot episode ng “BTP” na mapapanood na sa huling linggo ng Agosto.

“Akala mo MMK o Magpakailanman (peg). Ha-hahaha! Kasi binago namin ang format. Mas masaya siya. Pero ang hirap ring gawin,” sabi sa amin.

Kakaiba ang format ng “Bangon Talentadong Pinoy” dahil hindi na gagastos ng pamasahe ang mga gustong sumali at hindi na rin sila pipila dahil sa kani-kanilang mga bahay lang nila ipakikita ang kanilang mga talento.

“Sa house lang lahat! Total social distancing. ‘Yung natutunan namin sa Gameboys (shoot at home), in-apply namin dito sa ‘Bangon Talentadong Pinoy’. Si Ryan at judges sa house lang rin. Pati sina Direk sa house rin,” paliwanag sa amin.

Aminadong mahirap ang shooting pero sulit naman daw dahil kakaiba at inspiring ang programa nila.

“Ang judges namin sina John Arcilla, Janice de Belen at Joross Gamboa. Bago na ang mundo kaya bago na rin ang atake ng mga Pinoy. At yun ang ipinapakita namin sa Bangon Talentadong Pinoy,” ani Direk.

Sabi pa niya, “Once ipinakita ka sa show, automatic 2K. Then pag pasok ka sa Top 4 may 10K bawat isa. Then ‘yung isang winner for the week ay may 50K.”

Napakalaking tulong ito sa mga contestants lalo na ngayong panahon ng pandemya kaya tiyak na magki-click ito, sabi namin kay PMI.

“Yan talaga ang naisip namin nu’ng binuo ‘yung show. Kailangan ng tao ng pagkakakitaan. Kaya inisip namin yung mga talento nila pwedeng automatic may pera na agad na katapat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung weekly winner pwedeng i-defend ang title for 5 weeks, so aabot siya ng 250K,” sabi pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending