Vice ibinandera ang 'gamot' pag inaatake ng matinding lungkot; hindi nabibili ng pera | Bandera

Vice ibinandera ang ‘gamot’ pag inaatake ng matinding lungkot; hindi nabibili ng pera

Ervin Santiago - August 05, 2020 - 04:30 PM

TAO lang si Vice Ganda na nakakaramdam din ng kalunglutan, takot at pangamba.

Aminado ang TV host-comedian na isa siyang masayahin at positibong tao ngunit may mga pagkakataon din na inaatake siya ng lungkot at pagkabagot.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Vice ng mensahe kung ano ang isang bagay na epektibong nakapagpapaalis ng kanyang stress at kalungkutan.

“Masayahin akong tao. Pero dahil normal pa din naman ako may mga pagkakataong kinakalabit ako ng lungkot. At pag nararamdaman ko yun tinatawagan ko ang Nanay ko,” ang tweet ng It’s Showtime host.

Aniya, may kakaibang powers daw ang kanyang inang si Nanay Rosario na kapag nakausap na niya ito ay bigla siyang sumasaya.

“Kaswal akong nakikipagchikahan. May dinudulot syang ginhawa sakin. May magic. Kaya kung mejo down ka ngayon, TRY MO!” mensahe pa ni Vice.

Kung matatandaan, ilang beses nang nag-post si Vice sa IG ng mga litrato nila ng kanyang ina with matching pa-tribute pa. Kabilang na nga rito ang pagba-bonding nila sa ibang bansa.

“Malinaw sa isip ko bata pa lang ako na hindi madali ang buhay namin. Kaya nagsumikap ako. Nagsakripisyo. Nag ipon. Di ko pinalampas ang mga pagkakataon.

“Kaya naman ngayon na nakakaluwag luwag na ko naka BUSINESS CLASS na siya. Gumastos man ako ng malaki sisiguraduhin kong komportable ang Nanay ko. Walang ngalay. Walang ngawit. Walang init.

“Hanggang sa huling sentimo ng naipon ko gugugulin ko sa Nanay ko. Tapos na ang mga panahon ng pagdurusa nya. Isinusumpa ko tatanda syang maginhawa,” ang isa sa mga mensahe ni Vice noon kay Nanay Rosario.

May isa pang pagkakataon na nagbalik-tanaw siya noong bata pa lang siya at sumasakay sila ng ina sa tricycle, “Tuwing sasakay kami ng tricycle o ng jeep lagi nya akong kinakandong. ‘Yun ay para isa lang ang bayad. Kasi nga kapos sa pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mainit, masikip at masakit sa binti. Kawawa. Pero tinitiis nya ‘yun. Pero masaya din naman siguro siya kasi nakayakap lang siya sa bunso niyang si Tutoy habang bumabiyahe,” ayon pa kay Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending