outbrain

Matt Evans nagpasalamat sa asawa: Alam ng Diyos at mga nakakakilala sa atin ang totoo

By Ervin Santiago August 05,2020
share this

Matt Evans nagpasalamat sa asawa: Alam ng Diyos at mga nakakakilala sa atin ang totoo

By Ervin Santiago August 05,2020 - 11:56 AM

 

ILANG araw matapos arestuhin ng mga pulis sa kanilang tahanan dahil sa kasong isinampa ng dating partner, nagparamdam na si Matt Evans sa social media.

Ngunit sa halip na magsalita hinggil sa kasong kinasasangkutan, nagbigay lang ng mensahe ang aktor para sa kanyang asawang si Katrina Fariñas.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Matt ng kanilang family picture at pinasalamatan ang asawa sa pagmamahal at suporta nito sa kanya sa kabila ng kanilang mga pinagdaraanan.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na ikaw napangasawa ko. At nagpapasalamat ako na binigyan mo ako ng tatlong anghel na mahal na mahal ko.

“Anuman pagsubok dumating sa buhay natin, lalaban tayo. Alam ng Diyos at mga taong nakakakilala sa atin ang totoo,” ang caption ni Matt sa kanyang IG post.

Nauna rito, nagpahayag din ng saloobin si Katrina sa pamamagitan ng Instagram tungkol sa mga negatibong pahayag na ibinabato sa kanyang mister.

“Sa lahat na nakakakilala talaga kay Matt, alam na hindi totoo ang bali-balita. Hindi lahat ng nababasa o napapanood ay totoo. Sadyang may mga tao lang talagang hindi makuntento.

“I love you @matt3vans!! The best husband and father in the world!! I could not ask for more!! #NoToFakeNews— FYI: 2012 pa sila huli nagkita. wag mali mali ang binabalita at wag agad manghusga,” aniya pa.

Matatandaang hinuli si Matt nitong nagdaang Biyernes sa bahay nila sa  Sampaloc, Manila matapos maglabas ng arrest warrant ang korte sa kasong may kaugnayan sa “child support” na isinampa ng dating karelasyong si Johnelline Hickins kung saan meron siyang isang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending