Matt hindi nakatagal sa GMA kaya balik-Kapamilya | Bandera

Matt hindi nakatagal sa GMA kaya balik-Kapamilya

Julie Bonifacio |October 04,2019
facebook
share this

Matt hindi nakatagal sa GMA kaya balik-Kapamilya

Julie Bonifacio - October 04, 2019 - 01:05 AM

MATT EVANS

BUMALIK na sa kanyang mother network na ABS-CBN ang former Pinoy Big Brother Teen (first) Big Winner na si Matt Evans. Kasama siya sa bagong serye ng Kapamilya Network na pagbibidahan ni Gerald Anderson.

“Eto, kaya ganito ang hitsura ko dahil kasama po ako ngayon sa teleserye ni Gerald, ‘yung Soldier’s Heart. Maraming Kapamilya stars ang makakasama rito, siksik po ang teleserye na ito,” proud na pagbabalita sa amin ni Matt.

Hindi naman aware si Matt na may tsikang ang serye nila ang ipapalit dapat sa The General’s Daughter ni Angel Locsin. Pero ‘di raw itinuloy dahil sa kinasangkutang kontrobersiya ni Gerald matapos silang maghiwalay ni Bea Alonzo.

“Ay, may ganoon? Ha-haha! May na-postpone na isyu? Hindi naman. Siguro ano…ewan ko. Baka tinimpla nila, kasi galing sa bakbakan na General’s Daughter tapos ‘yung papalit, bakbakan ulit. Baka parang manawa ‘yung tao?” paliwanag ng aktor.

“Ewan ko. Thinking ko lang ‘yun, ha. Opinyon ko lang. Huwag kang makialam Matt. Ha-haha!” ang biro pa niyang pahayag. Kwento pa ni Matt, “Pero sabi nila, baka late this year ‘yun ipapalabas.”

Sa pagbabalik ni Matt sa ABS-CBN, balik Star Magic na rin daw siya, “Nag-freelance (talent) lang (nu’ng nasa GMA 7 siya). Tumanggap ako ng trabaho sa GMA. Tapos, bumalik din.”

Naging under siya ng management ni Rams David, same talent company na kinabibilangan nina Maine Mendoza at Marian Rivera, “Para akong namahay, e. Hinanap ko ‘yung alaga ng Star Magic din. Saka kasi, homegrown (talent) nila ako doon, e. Parang, ‘yun nga, nakasanayan mo na.”

Iba raw talaga ‘yung at home ang feeling kapag nagtatrabaho, “Hindi ko makumpara ‘yung pagtatrabaho ko sa GMA sa ABS, e. Para sa akin kasi siyempre, homegrown ako ng Dos, tapos, saglit lang din ako nagtrabaho (sa GMA). Siguro kung nakapag-commit ako doon, baka masabi ko. Pero hindi talaga, e. Hindi ko alam.”

Nakatsikahan namin si Matt sa grand opening ng Online Travel Exptress na pag-aari ni Sir Rich na matatagpuan sa Robinson’s Metro East, Pasig City.

“Eto pong Online Travel Express ang pinakasulit na travel agency po na mahahanap natin ngayon sa buong Pilipinas. Multi-awarded din po ito. At siyempre, napakarami naming travel tours na packages na available ngayon lalo na ang Japan,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending