Asawa ni Matt Evans naloko sa negosyo: Nagdemanda na kami | Bandera

Asawa ni Matt Evans naloko sa negosyo: Nagdemanda na kami

Reggee Bonoan |October 03,2019
facebook
share this

Asawa ni Matt Evans naloko sa negosyo: Nagdemanda na kami

Reggee Bonoan - October 03, 2019 - 12:10 AM


NILINIS ni Matt Evans ang pangalan ng asawang si Katrina Farinas dahil sa balitang niloko nito ang mga taong pinagkukunan niya ng ibinebentang branded bags and watches.

Kabaligtaran daw ang nangyari base sa kuwento ng aktor na nakatsikahan namin sa pagbubukas ng ineendorsong Online Travel Express na matatagpusan sa Robinson’s Metro East na pagmamay-ari ni Richard Lopez Pabilona.

Kuwento ng aktor, “Yung asawa nu’ng basketball player na si JR Quinahan (NLEX), na-swindle si misis doon, ‘yung time na ‘yun malaki talaga ‘yung nawala, umabot sa six million, eh. ‘Yung time na ‘yun kailangan naming depensahan ang sarili namin.

“Nag-file kami ng kaso sa ngayon at on-going na po sa korte at inaasikaso naman po. Nalinis naman po ang pangalan ni misis kasi kailangan. Siyempre hindi naman po kasi sa amin lahat ‘yun. May mga taong nahiraman ka at kailangang ibalik din ang mga gamit, nagpapatong.

“Nagre-resale po kasi ang misis ko, ang kumuha (produkto) ay ‘yung asawa nga ni JR. Tapos ngayon parang kami pa ‘yung (may kasalanan) kasi nagde-delaying tactics pa,” paliwanag ni Matt.

Nasa Cebu ngayon ang asawa ng cager at sinampahan ng kasong cyber bullying ang misis ni Matt dahil sa pagpapa-interview nito na kumalat din sa social media.

“Kinasuhan kasi parang ganito, nagbi-video (interview), delaying tactics niya para hindi ma-expedite ‘yung kaso niya. Kumbaga nag-counter siya ng cyber bullying kaya si misis pumupunta pa ng Cebu para sa hearing tapos hindi naman sumisipot (asawa ni JR).

“Ganu’n ka-hassle ang ginagawa sa misis ko, e, ‘yung asawa niya si JR Quinahan, hindi rin namin makausap. Gusto sana naming humingi ng tulong sa management ng NLEX, eh.

“Matagal nang kakilala ni misis kaya hindi rin namin alam kung bakit kami tinakbuhan,” sabi pa ni Matt.
Kaya ngayon ay siya ang nagbabayad sa suppliers, “Hanggang ngayon nagre-recover pa rin, malaki po talaga, eh. Awa ng Diyos may mga tumutulong po talaga sa aming mga tao, so nakakaluwag-luwag. Pero siyempre kung ano ‘yung hiniram mo, kailangan mo talagang ibalik at may mga interest pang binabayaran. Ako siyempre (nagbabayad) kasi asawa ko yung involved.”

Nagkasagutan ba silang mag-asawa dahil nagtiwala kaagad si Mrs. Evans sa katransaksyon nito? “Siyempre merong ganu’n senaryo talaga kung baga malalampasan at malalampasan mo rin talaga.

“Nu’ng umpisa may sisihan talaga kasi bakit ka nagbigay, bakit ganito, bakit ka nagtiwala kaagad. Sa akin lang, nandiyan na ‘yan pero siyempre kailangan mo pa ring kumilos,” aniya pa.

Ito naman ang mensahe ni Matt sa asawa ni JR, “Denisse, ano na, ‘wag mo na kaming pahirapan, mag-settle na lang kung ano ‘yung kaya mo. Kasi doon din naman ang mangyayari, pahahabain mo pa. Sa settlement din naman ito, kung ano ‘yung kaya mo, salubong na lang, ganu’n din naman, pagtrabuhan na lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang pahinang ito para sa panig nina JR at Denisse Quinahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending