outbrain

Hirit ni Karla sa paglalambing ni Vice kay Ion: Tama na nga ang harot, please!

By Ervin Santiago August 05,2020
share this

Hirit ni Karla sa paglalambing ni Vice kay Ion: Tama na nga ang harot, please!

By Ervin Santiago August 05,2020 - 11:11 AM

 

 

GOING strong pa rin ang relasyon ng Kapamilya couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa kabila ng patuloy na pangnenega at panglalait ng ilang haters sa magdyowa ay nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.

At para patunayan na mainit at naglalagablab pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa, nag-post si Vice ng throwback photo nila ni Ion sa Instagram na nagpakilig muli sa kanilang fans.

Ang ibinahaging litrato ng TV host-comedian sa IG ay kuha sa bakasyon nila ni Ion sa Japan noong nakaraang February.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Sa alaala muna tayo rumampa.

“Libre na safe pa. Basta kasama ka!!!

“Saaaaavehhh! Talandi tong vaklang twooohhh!!!”

Nag-comment naman dito si Ion sa pamamagitan ng “princess” at dalawang “two hearts” emojis na mas lalong ikinakilig ng mga netizens at mga kaibigan sa showbiz.

Isa sa mga celebrity friends na nagkomento sa post ni Vice ay ang close friend niyang si Karla Estrada. Biniro niya ang TV host-comedian na tigilan na ang kanyang paglalandi.
Hirit ni Karla, “Tama na nga ang harot pls.” Na sinagot naman ni Vice ng, “@karlaestrada1121 hihinto akong magharot pag huminto kang kumain.”

Kung matatandaan, bago ipatupad ang community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic, nakapag-bonding pa nang bonggang-bongga sina Vice at Ion sa Amanpulo kung saan sila nag-celebrate ng Valentine’s Day. Pagkatapos nito, dumiretso pa sila sa Japan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending