Angel humingi ng tawad sa medical frontliners: Patawad kung minsan ay pasaway... | Bandera

Angel humingi ng tawad sa medical frontliners: Patawad kung minsan ay pasaway…

Ervin Santiago - August 03, 2020 - 07:18 PM

NAG-SORRY si Angel Locsin sa lahat ng bayaning frontliners, lalo na sa mga medical at health workers.

Matapos ang pagdaing ng mga doktor, nurse at iba pang hospital staff sa kanilang dinaranas na hirap at sakripisyo dahil sa COVID-19 pandemic, bumuhos ang awa at simpatya ng madlang pipol sa tinaguriang mga bagong bayani.

Sunud-sunod ang pagpo-post ng mga celebrities ng kanilang mensahe ng pasasalamat at pagsaludo sa ginagawang paglaban ng mga medical frontliners sa killer virus.

Isa na nga riyan si Angel na nagpahayag ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng open letter para sa lahat ng bayaning health workers.

Dito, humingi ng paumanhin si Angel sa pagiging pasaway kung minsan ng ilang mga Pinoy, kabilang na riyan ang kanyang sarili.

“Patawad kung minsan ay pasaway. Ngunit nais iparating, kakampi niyo kami, health workers.

“Mag do-doble ingat para makagaan sa pasanin kahit papano,” sabi ng Kapamilya TV host-actress.

Aniya pa, ang mga medical professionals at health workers ang talagang kailangan ng bawat bansa sa paglaban ng buong mundo sa killer virus.

“‘Wag sanang panghinaan ang inyong loob.

“Mahal namin kayo. Nakasuporta kami sa inyo. Kailangan namin kayo.

“Kayong mga bayani sa giyerang ito. Maraming salamat sa sakripisyo sa amin,” mensahe pa ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending