outbrain

Sharon gustong bilhin ang dating bahay sa Makati: It’s my paraiso!

By Ervin Santiago August 03,2020
share this

Sharon gustong bilhin ang dating bahay sa Makati: It’s my paraiso!

By Ervin Santiago August 03,2020 - 10:04 AM

 

NAIS bilhin ni Megastar Sharon Cuneta ang dati nilang bahay na matatagpuan sa Dasmariñas Village, Makati City.

 

Nagbalik-tanaw ang singer-actress nang makita ang luma nilang bahay kung saan siya lumaki at nagkaisip noong dekada 70.

 

Ani Mega, naaalala pa niya kung gaano kasimple at kasaya ang buhay nila noon sa Paraiso Street sa Dasmariñas Village kung saan tatlong bahay lang daw ang nakatayo kasama na ang tinitirhan nila.

 

“This is where I grew up. We moved here in 1972-1973? One of the first three houses on the street. No Ayala Center yet. Just the Hotel Inter-Continental and later, QUAD and Fastfood Centre and Karpark!

 

“Now all Glorietta. EDSA had only two lanes if I remember right. We could still cross it by walking,” caption ni Mega sa litrato ng luma nilang bahay na ipinost niya sa Instagram.

 

Kuwento pa ni Sharon, ibinenta ang kanilang bahay 10 taon ang nakalipas matapos pumanaw ang amang si Pasay City Mayor Pablo Cuneta. Mula noon sa condo na sila tumira ng kanyang inang si Elaine Gamboa Cuneta.

 

“I grew up in paradise. PARAISO STREET, Dasmariñas Village. It was a beautiful and good, good home to our family, especially to me!

 

“Some 40+ years later, Daddy was gone, Mommy moved to a condo, and the big house was sold.

 

“I pray that someday, I would be able to buy it back. It is a totally new and different house now. But still … it is my Paraiso,” mensahe pa ng asawa ni Sen. Kiko Pangilinan.

 

Maraming nag-comment sa IG post ni Sharon at nagsabing sana raw ay mabili nga niya uli ang kanilang bahay. Isang netizen ang nangako na ipagdasaral niya na matupad ang wish ng Megastar.

 

“Thank you. Please do keep praying. It would mean so much to me!” reply ng aktres sa netizen.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending