Relasyong JUDAY-RYAN nanganganib na mawasak sa pag-eksena ni JULIA CLARETE? | Bandera

Relasyong JUDAY-RYAN nanganganib na mawasak sa pag-eksena ni JULIA CLARETE?

Cristy Fermin - August 20, 2013 - 03:00 AM

Kalat na ang kuwentong may problema ngayon sa pagitan nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Ang itinuturong dahilan, si Julia Clarete, kasama ni Ryan sa Eat Bulaga!.

Ilang beses nang lumalabas ang ganyang kuwento, pero lagi namang kuryente lang ang balita, humuhupa rin ang tsismis dahil maligaya pa rin ang pagsasama nina Juday at Ryan.

At kung kilala nga namin ang mag-asawang ito, gaano man katindi ang gawing pangliligalig ng ibang kampo diyan sa kanilang relasyon ay matatag pa rin sila, napakatibay na ng pundasyon ng kanilang buhay-mag-asawa para masayang lang sa mga ganu’ng klase ng tsismis.

At sige, sakyan pa rin natin ang kuwento kahit wala namang katotohanan, sakali mang meron ngang umusbong na third party sa kanilang relasyon ay reresolbahan nila ang problema sa apat na sulok lang ng kanilang kuwarto.

Ganu’n kahalaga para kina Ryan at Juday ang kanilang kapribaduhan, hindi nila ititinda sa bilao ang kanilang mga kakapusan at kalabisan, hindi nila pababayaang pagpistahan ng publiko ang kanilang personal na buhay.

Maliit pang bata si Judy Ann ay pampubliko na ang buhay niya, wala na halos natitira sa kanya kundi ang pampamilya nilang buhay na pinakaiingatan nila, pareho lang sila ni Ryan na hinding-hindi isusuko ang kanilang masaya at matiwasay na relasyon sa mga kuwento-kuwento lang na wala namang kuwenta.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending