outbrain

Bakit nakakatakot maging kasambahay ni Heart Evangelista?

By Ervin Santiago July 31,2020
share this

Bakit nakakatakot maging kasambahay ni Heart Evangelista?

By Ervin Santiago July 31,2020 - 02:00 PM

“NAKAKATAKOT maging kasambahay ni Heart Evangelista!”

Yan ang nagkakaisang komento ng mga netizens matapos mag-viral ang Facebook post tungkol sa sosyal at mamahaling kitchenware collection ng Kapuso actress.

Hindi lang pala branded shoes, damit at bonggang bags ang koleksyon ni Heart na talagang libu-libo o milyones ang halaga kundi pati na rin ang mga gamit niya sa kusina.

Ilang beses na ring ipinakita ng misis ni Chiz Escudero sa kanyang Instagram page ang ilan sa mga collection niya ng plates, mugs, bowls at iba pang kitchenware.

Siyempre, hindi naman binabanggit ni Heart kung magkano ang bawat piraso ng mga gamit niya sa kusina, lalo na ang mga sosyal na baso at pinggan pati na ang kutsara’t tinidor sa kanyang lamesa.

Kaya naman isang Facebook user na nagngangalang Nelson Adrian ang nag-effort para alamin ang presyo ng tableware collection ni Heart, lalo na ang kanyang favorite French luxury brand na Hermes.

Ayon sa FB post ng netizen, ang Hermes Balcon du Guadalquivir vase na ipinakita ni Heart sa isa niyang IG post ay may price tag na £840 o mahigit P53,000.

Samantala, nag-research din siya sa presyo ng Hermes Mosaïque au 24 Gold dinnerware collection ng Kapuso actress at nalaman niya na ang isang piraso lang ng pinggan nito ay nagkakahalaga ng P6,000.

Ang teapot naman na pag-aari ni Heart na minsan na ring nakita ng kanyang fans and followers ay nasa P35,000 lang naman.

Ayon pa sa research ng netizen, ang Hermes’ Balcon Du Guadalquivir at Cheval d’Orient dinnerware collection ng aktres at fashion icon, “cost £285 or PHP21,648.00 for a single presentation plate or £260 or PHP18,447.00 for a cup-and-saucer pair.”

Napanganga at napa-wow talaga ang mga nakabasa sa nasabing FB post habang ang iba naman ay inggit na inggit sa mga mamahaling koleksyon ni Heart.

Comment nga ng isang netizen, “Nakakatakot naman maging kasambahay ni ma’am heart baka makabasag ako ng pinggan at pagbayaran ko habang buhay.”

“Siguro kung ako ang house helper ni Heart, hindi ko gagalawin yang collection niya mahirap na baka mabasag ko pa at dyan lang maubos ang sweldo ko,” birong sey ng isa pang netizen.

“Grabe! Siguro kahit tuyo o tinapa lang ang ulam mo gamit ang mga plato ni Heart maglalasang steak! Sana all!” komento ng isang fan ng aktres.

“When eating paksiw using this plate, it will be 100% tastier,” sey naman ng isa pang FB user.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending