outbrain

Kris: Hinarap ang mga pagkakamali, pinatawad ang sarili…this is not the end of my story

By Reggee Bonoan July 31,2020
share this

Kris: Hinarap ang mga pagkakamali, pinatawad ang sarili…this is not the end of my story

By Reggee Bonoan July 31,2020 - 10:02 AM

“THANKS to ALL OF YOU, I’m starting MY NEW BEGINNING!”
Ito ang caption ni Kris Aquino sa teaser ng programa niyang “Love Life with Kris” sa TV5 na mapapanood na sa Agosto 15, Sabado sa ganap na 5 p.m..

Simple lang ang teaser ng show, naka-all black si Kris with leather jacket habang papasok sa loob ng TV5 building at palinga-linga sa paligid hanggang sa makapasok na siya sa gagamitin niyang studio.

Pahayag ni Kris sa teaser, “Maraming nagsabi na this day will never arrive, after hearing that so many times, even I started to believe it, yet, nandito na ako.

“(Sabay bukas lahat ng ilaw) I got to know the real me, hinarap ko ang aking mga pagkakamali, tinanggap ko na maraming beses din akong nagkulang, natutunan kong iwanan ang kahapon, pinili kong patawarin ang sarili for being human to see myself as the victim for allowing myself to almost give up.
“So, I wipe my tears, kinaya kong maghintay, nagpakatatag ako, naghanda ako, because this is not the end of my story. Thanks to all of you, I’m starting my New Beginning.”

Marami talaga ang nag-aabang sa mga post ng nag-iisang Queen of All Media dahil 11 minutes pa lang niyang in-upload ang teaser ng kanyang bagong show ay umabot na sa 17.2k likes at mahigit 400 positive comments na pawang nagsabing, “Happy to see you, Kris!” na may kasama pang mga heart emoji.

“Congrats ate, you deserve it!” pagbati naman ni Kim Chu na punumpuno ng heart emoji.

Sinagot naman kaagad ni Kris ang aktres, “Saan man ako mapunta- you’ll always be my PANGANAY.”

Bumati rin si Mariel Rodriguez-Padilla sa TV host-actress, “Congratulations ate Kris” na may sandamakmak na clapping emoji.

Hindi rin nakalimot bumati si Angel Locsin kay Kris, “Congratulations ate” na may tatlong emoji heart.

“Thanks Gel,” sagot naman sa kanya ni Kris.

“Happy for you, ate,” pagbati naman ni Erik Santos at pinasalamatan din siya ni Kris, “Thanks Erik.”

Maging si Darla Sauler na headwriter ni Kris sa mga naging programa niya sa ABS-CBN ay bumati rin, “So happy for you Krisy! WELCOME BACK.”

“Hindi complete, kasi wala ka,” sagot ni Kris sa kanyang favorite staff sa Kapamilya network.
Hindi rin nakalimot ang ikalawang anak-anakan ni Kris na si Erich Gonzales, “Congratulations ate Kris.”

Say naman ng ate niya, “Thanks for always Face Timing with kuya (Joshua).”

“Congratulations ate,” bati rin ni Anne Curtis Smith-Heussaff.

“You have the absolute most adorable family,” sagot ni Kris.

“Thanks beautiful,” ang sabi ni Kris kay Iza Calzado na binati rin siya ng, “Congratulations ate Kris.”

Ang ganda naman ng mensahe ni @atty_Buko, “No river can return to its source, it always moves forward. You are like a river, a force of nature. What ever block is put on your path, you will always find your way. Congratulations! We are all excited and looking forward to your much awaited comeback!”

“Love the new You,” komento ni KC Concepcion.

Pumapalakpak emoji naman ang komento ng paboritong author/novelist ni Kris na si Kevin Kwan na sumulat ng librong “Crazy Rich Asians” na ginawang pelikula kung saan may cameo role ang TV host-actress.

Humirit naman sa nobelista si @chrisbuff09, “@kevinkwanbooks another role for her pls?”

Welcome back to the real Queen of Talk Show!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending