'DOTS' nina Dingdong at Jennylyn balik-taping na sa Setyembre; buong cast isa-swab test | Bandera

‘DOTS’ nina Dingdong at Jennylyn balik-taping na sa Setyembre; buong cast isa-swab test

Ervin Santiago |July 31,2020
facebook
share this

‘DOTS’ nina Dingdong at Jennylyn balik-taping na sa Setyembre; buong cast isa-swab test

Ervin Santiago - July 31, 2020 - 10:01 AM

KUNG hindi na magkakaroon ng problema, baka matuloy na sa September ang pagbabalik-taping ng Kapuso series na “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)”.

Ayon sa isa sa member ng cast na si Paul Salas, inaayos na ang lahat ng kailangan ng production team para makapag-taping na sila uli para sa mga bagong episode ng “DOTS” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Wala pang final announcement hinggil dito pero umaasa sila na maaari na uli silang magtrabaho sa darating na Setyembre.

“Pina-plan na po ng production na baka mag-start na kami this September.

“So, kailangan lang talaga namin na mag-stay muna dito sa bahay para kapag na-swab test na kami and good for taping na,” ani Paul sa panayam ng Unang Hirit.

Ayon sa Kapuso hunk, kahit ilang buwan na silang natigil sa taping at hindi nagkikita nang personal dahil sa community quarantine, tuluy-tuloy naman daw ang kanilang communication.

“Lagi naman kaming may communication sa isa’t isa at na-miss na rin namin ‘yung isa’t isa kasi nakagawa na rin kami ng bond. Halos bestfriends ko na rin ‘yung Alpha team, e,” sabi pa ng binata.

In fairness, marami na ang nag-aabang sa pagbabalik ng “DOTS” sa GMA Telebabad dahil talagang nabitin sila nang mawala ito sa ere nang ipatupad ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung matatandaan, gabi-gabing trending ang bawat episode ng “DOTS” lalo na ang mga kilig scenes at madadramang eksena nina Jennylyn at Dingdong pati na rin nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis.
Kaya siguradong magpipiyesta ang manonood kapag bumalik na ang Pinoy version ng nasabing hit K-Drama na pinagbidahan noon nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Samantala, inamin ni Paul na ang uncle niyang si Dingdong ang talagang iniidolo niya sa showbiz.

“Actually target ko talaga is maging the next Dingdong. Siyempre, wala na akong ibang idol pa kundi ang sarili kong tito,” pagmamalaki ng young actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending