Glaiza na-in love sa Baler, ayaw nang bumalik ng Manila; David nagtayo ng one-stop shop
KAHIT halos limang buwan na siyang malayo sa Manila, enjoy na enjoy pa rin ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kanilang beach house sa Baler, Aurora.
Masayang nakipagchikahan ang singer-actress na si Glaiza sa nakaraang episode ng “Mars Pa More” with Iya Villania and Camille Prats bilang bahagi ng weeklong anniversary special ng programa.
Ipinasilip ng aktres ang rooms at amenities ng kanilang bed and breakfast na kung tawagin nila ay Casa Galura.
Kuwento ng dalaga, “Nagsimula ‘yung idea ng bed and breakfast around 2 years ago noong nag-ocular kami dito sa Baler.
“Nakita namin itong property and parang maganda siyang i-develop. Nagkaroon ako ng idea from my travels,” sey ng award-winning actress.
Mahigit apat na buwan na mula nang abutan ng lockdown ang aktres sa Baler at hindi raw niya pinagsisisihan ang kanyang desisyon na manatili roon kasama ang pamilya.
“Good decision talaga na nagpunta kami dito. Isa ‘yun sa mga na-realize namin during lockdown na napakaganda talaga ng lugar na ‘to.
“Dati kasi tuwing weekends lang kami umuuwi. Ngayon, nakilala ko na ‘yung community, may friends na ko. Sobrang accommodating nila, sabi ko nga sa kanila parang ayaw ko nang umuwi ng Manila,” lahad pa niya.
* * *
May bagong handog ang Chinito Heartthrob na si David Licauco sa mga gustong magkaroon ng healthy lifestyle at life-changing mindset lalo na ngayong may kinakaharap tayong krisis.
Ito ay ang “As Nature Intended” (asnatureintended.ph), isang online one-stop shop para sa holistic lifestyle.
Mayroon itong ino-offer na iba’t ibang brand ng guilt-free na pagkain, skincare products, nutraceuticals/sports supplements, workout/athletic gear at wine.
Paliwanag ni David, “We established ‘As Nature Intended’ as a one-stop shop for everything healthy. We wanted to start a community that debunks the misconception that healthy living as a very intimidating concept.
“We want to promote the perspective that being healthy shouldn’t hurt our wallets and bank accounts,” paliwanag ng Kapuso hunk.
Kuwento pa ni David, inspired ang kanyang bagong business venture sa kaniyang hilig sa pangangalaga sa kalusugan at pagwo-workout.
“At its core, it really stemmed from my passion for health and working out, and helping people achieve a healthier lifestyle, starting with my family and circle of friends,” sey pa ng binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.