outbrain

‘Love Life with Kris’ mapapanood nang live sa TV5; bongga ang mga guest

By Reggee Bonoan July 30,2020
share this

‘Love Life with Kris’ mapapanood nang live sa TV5; bongga ang mga guest

By Reggee Bonoan July 30,2020 - 02:29 PM

WALANG planong i-post ni Kris Aquino ang pagkikita nila ni Raffy Tulfo sa TV5 studio nu’ng nakaraang Martes.

Doon ginanap ang kanyang promo shoot para sa teaser ng programa niyang “Love Life with Kris” na mapapanood nang live simula sa Agosto 15, 5 p.m..

Yes, live po ang “Love Life with Kris” every week at bongga ang mga magiging guest ng TV host-actress bawat episode.

But since ibinalita na rin naman daw ni G. Raffy ang pagkikita nila at sinigurado na rin nitong mapapanood na nga ang Queen of All Media sa Kapatid network, nag-post na rin siya sa Instagram.

Isang video ang ibinahagi ni Kris na kuha nang magkita sila ng radio-TV host.

Aniya sa caption, “The King of Public Service @raffytulfoinaction made me feel so welcome I’m very much aware kung sino lang po ako sa mundo ng TV5 (baguhan na maraming dapat patunayan) and that he is their reigning king (not to mention the fact that he is the King of YouTube).

“But, Raffy & his kind staff lent me his dressing/conference room and told me to feel free to use it anytime I’m in the compound.

“They also lent his studio for my promo shoot. And he went out of his way to come down when he knew patapos na ko so that we could meet face to face kahit alam ko naman fina-flatter lang n’ya ko when he said ‘mas magandang-maganda ka sa person’ – hindi nya kinailangan to be nice to me that’s why it was all the more appreciated.

“P.S. I really wasn’t going to post our face to face meet up, but nakita ko that they had kaya I felt okay na to upload so that I could also tell all of you that if 1st impressions really matter sobrang mas napahanga ako sa pagka-gentleman & sa generosity ni Raffy Tulfo.”

Nakunan din ang konting tsikahan nina Raffy at Kris habang papalapit ang huli.

“Hello! I’m a fan. It’s a pleasure to meet the King of TV5. You’re on my wish list. Gusto ko magka-talk show with you.

“Sana mangyari. Sana in the future. I like the way you stand up for women. Kinakampihan mo ‘yung mga babae. Pinagsasabihan mo ‘yung mga lalaki,” ani Kris.

Kaya huwag na kayong magtaka kung isa si Raffy Tulfo sa magiging guest ni Kris sa bago niyang programa sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending