outbrain

K Brosas pinagmumura ng basher, isinumbong sa employer: Isa-isa kayo sa ‘ken tapang n’yo, eh!

By Ervin Santiago July 30,2020
share this

K Brosas pinagmumura ng basher, isinumbong sa employer: Isa-isa kayo sa ‘ken tapang n’yo, eh!

By Ervin Santiago July 30,2020 - 01:23 PM

PINAGMUMURA at kung anu-anong kabastusan ang ibinato ng isang basher sa singer-comedienne na si K Brosas.

Sunud-sunod ang tweet ng Tawag Ng Tanghalan hurado patungkol sa mga haters at trolls na walang tigil ang pambu-bully sa kanya pati na rin sa kanyang anak.

Hindi na sinasagot ni K Brosas ang ilang hate message sa kanya ng mga netizens pero may pagbabanta siya sa mga ito na siguradong hindi nila magugustuhan.

Tweet ni K, “Share ko Lang, SA fb fan page ko May isang basher na pimagmumura ako Mula puyo Hanggang talampakan at o.a SA laswa NG msg.

“Di ako sumagot. Naka public sha w/ complete info. Tinawagan ko yung employer. Compirm. Sabi ko file ako kaso. naloka! Award! Yun lang. Habanaysdey!” post pa niya sa Twitter.

Sinundan pa ito ng mensaheng, “Anyway.. tama na nega tweets ko hehe. although lumalaban Lang akey. dedma na tayo muna SA kanila. basta nasa line up sila chos.

“Ang gusto ko Lang naman ay good vibes lagi pero hindi pwede maging bungol at bulag SA kaganapan.. at sana respeto Lang. Lablablab.”

Ibinalita rin ng singer na nag-viral na pala ang ginawa niyang aksyon laban sa hater na nagmura at nambastos sa kanya at marami raw ang sumang-ayon sa ginawa niya.

“Update Lang since sumabog pala yung Tweet ko about SA basher SA FB na sinumbong ko SA employer. nag deactivate na sha.

“May naka basa ata na iba na nasa ‘line up’ ko kaya may nag deactivate na din lol! Pero buti na save ko hihi. so araw araw isa isa kayo saken. Tapang nyo eh!” warning pa ni K.

Samamtala, isa pang netizen ang sinopla ni K na tumawag sa kanya ng gurang at kung anu-ano pang malilisyosong salita.

“Lol.. katawa yung lait no? Kapwa ka dds Di na rin kinaya.. kc naman kung ako ay ‘gurang’ at daming wrinkles keme ano pa tamang description SA ating pangulo? Ako never ako humanas sa itsura nila ha infer.

“Yung mga ganito nasa line up ko.. katawa kc public sila tapos andon lahat info kung San sila work even website, at contact numbers.

“May dagdag pa chika iba na naging ganon daw anak ko kc wala akong kwentang ina… inanyo! Wait Lang. Ang saya ko kaya, patawad po lord!” chika pa ni K Brosas na talagang palaban na sa mga trolls.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending