outbrain

Lotlot kay Janine: Siyempre gusto kong magkaapo sa ‘yo, saka kailangan…

July 30,2020
share this

Lotlot kay Janine: Siyempre gusto kong magkaapo sa ‘yo, saka kailangan…

July 30,2020 - 12:27 PM

MAY isang kundisyon si Lotlot de Leon sakaling mabuntis at maging mommy na ang panganay na anak na si Janine Gutierrez.

Aliw na aliw ang fans at social media followers ng Kapuso actress sa latest vlog niya sa YouTube kung saan nakasama nga niya ang kanyang ina.

Nagkaroon ng Q&A session ang mag-ina pero siyempre nag-isip ng  twist si Janine para mas maging exciting ang kanilang bonding — ito nga ang walang kamatayang drinking game.

Ang sinumang ayaw sumagot sa tanong, kailangan niyang inumin ang laman ng basong nasa kanilang harapan.

Mismong ang mga kapatid pa ni Janine na sina Diego at Maxine ang gumawa ng mga tanong para sa kanilang sister at mommy.

Isa sa mga natanong ng Kapuso actress kay Lotlot ay, “Are you happy that I don’t have kids yet?”

Pinili ni Lotlot na sagutin ang question, “Not naman that I’m happy you don’t have kids yet. I’m happy that you know what you want in life.

“I’m happy that you have direction. I’m happy that you’re fulfilling your dreams and that you’re living your life the best way you want,” pahayag pa ng mommy ni Janine.

Kitang-kita naman sa reaksyon ng girlfriend ni Rayver Cruz na super na-touch siya sa naging pahayag ng ina.

Hirit pa ni Lotlot, “Of course, I want to have grandkids. Saka kailangan gwapo’t maganda sila, Janine, sinasabi ko sa iyo!

“Siyempre, mamahalin ko naman. Joke lang! Ha-hahahaha!” ang tawa nang tawa pang sabi ng aktres.

Ani Janine, palagi naman daw ipinaaalala ng kanyang nanay sa kanilang magkakapatid na huwag magmadali sa pagkakaroon ng sariling pamilya at mag-enjoy muna sa kanilang single life.

“I prayed for that. I prayed, not only for you, but for your siblings as well that lahat kayo makatapos ng pag-aaral.

“Lahat kayo will be able to do what you want first in life before really settling down and to be really ready. But I’m hoping for some (apo),” sabi pa ni Lotlot.

Hirit naman ni Janine sa kanya, “But not yet, right?” Na sinagot naman ni Lotlot ng, “Yes.”

May apat na anak si Janine sa dati niyang husband na si Ramon Christopher — sina Janine, Jessica at Diego na nakapagtapos na ng college at si Maxine na kaka-graduate lang ng high school.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending