Julia balik-trabaho na: Let’s keep praying for good things, kapit lang tayo
“HINDI dapat iniaasa lagi sa ibang tao ang kaligayahan mo.”
Yan ang isa sa mga natutunan ng Kapamilya actress na si Julia Barretto sa loob ng halos apat na buwang community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa dalaga, unti-unti ay natututunan na rin niyang tanggapin ang “new normal” ngayong panahon ng pandemya.
“Actually I don’t know how to feel about it. Ang dami pang bagay na hindi pa nagsi-sink in sa akin. Ang dami pang bagay na hindi ko pa alam kung paano ako gagalaw sa bagong normal natin,” ang kuwento ni Julia sa online show na “We Rise Together.”
“But I think I’m taking it day by day. I’m just embracing the change na lang and see what I can do with it,” dugtong ng young actress.
Dito nga niya na-realize ang kahalagahan ng pagiging masaya kahit mag-isa ka lang.
“When I moved out, all of a sudden I was alone. Not just in the room but in the entire house.
“So, it was a big adjustment to me but you know it’s also, for me, a good step and it was so healthy for me to feel comfortable in my own company,” lahad ng dalaga.
Chika pa niya, “It’s so important to feel comfortable being alone and to be happy with your own company.
“You don’t always depend on someone para happy ka. You don’t always depend on someone para hindi ka lonely.
“You don’t always depend on someone para you feel comfortable. Parang okay ka lang mag-isa. Kapag may kasama ka, mas okay, pero kung mag-isa ka ulit okay lang din.
“So I really enjoy myself because ang dami ko ring na-realize at natutunan about myself. So it’s a healthy adjustment,” sey pa ng ex-girlfriend ni Joshua Garcia.
Samantala, excited ding ibinalita ni Julia na balik-trabaho na siya very soon dahil sisimulan na ang taping para sa bagong drama series ng ABS-CBN na “Cara Y Cruz,” na mapapanood sa iWant at Kapamilya Channel.
“Salamat sa Diyos, marami po akong makakasama sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz.’ Mag-i-start na po kaming mag-taping sa August.
“Sana umere na po para mayroon kayong abangan sa ating Kapamilya Channel. So let’s keep praying for good things lang. Kapit lang, kapit lang tayo,” pahayag ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.