Sarah sa pagsasama nila ni Matteo bilang mag-asawa: Masarap, masaya! Forever’s not enough!  | Bandera

Sarah sa pagsasama nila ni Matteo bilang mag-asawa: Masarap, masaya! Forever’s not enough! 

Ervin Santiago |July 30,2020
facebook
share this

Sarah sa pagsasama nila ni Matteo bilang mag-asawa: Masarap, masaya! Forever’s not enough! 

Ervin Santiago - July 30, 2020 - 09:32 AM

KUNG maraming artista ang nganga ngayon matapos mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic at sa pagsasara ng ABS-CBN, tuloy naman ang pag-ulan ng blessings kay Sarah Geronimo.

Bukod sa pagiging regular performer sa ASAP Natin ‘To ng Kapamilya Channel, sunud-sunod din ang endorsements ngayon ng Popstar Royalty.

Sa kabila nga ng health crisis sa bansa, tuloy-tuloy pa rin ang trabaho ng misis ni Matteo Guidicelli at abot-langit ang kanyang pasasalamat sa lahat ng patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.

Ani Sarah, sobrang thankful siya sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, lalo na ang pagkakaroon ng malusog na katawan at kaisipan.

“Of course, the gift of life, ‘yung gratitude. Iyong pag-acknowledge na, lalo sa nangyayari ngayon tomorrow is not promised,” pahayag ni Sarah sa isang panayam para sa bago niyang endorsement.

“Ipinagpapasalamat mo nang husto ‘yung buhay na ibinigay sa ‘yo ng Panginoon, and for the life of your loved ones. I draw inspiration from that,” dagdag pa ng singer-actress.

At ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pinoy na nawalan ng trabaho, super grateful si Sarah na patuloy pa rin siyang nabibiyayaan ng mga bagong proyekto.

“Aminin po natin na sa pandemic na meron tayo, na nai-experience ng buong mundo, marami pong nawawalan ng trabaho.

“Mas lalo ko pa pong pinapahalagahan ‘yung opportunities na binibigay po sa akin. Kasi hindi po lahat ay nabibigyan niyan,” aniya.

Tungkol naman sa pagsasama nila ni Matteo bilang mag-asawa, “Masarap, masaya.” Aniya pa, maraming adjustments sa kanyang married life pero handa raw siya sa mga challenges bilang isang misis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siyempre po, may asawa na po tayo. Priority din natin ang asawa natin!” diin pa ni Sarah.

Nang matanong kung ano sa mga kanta niya ang maaaring maglarawan sa pagiging mag-asawa nila ni Matteo, mabilis niyang sagot, “Forever’s Not Enough. Siyempre po pag nagmahal tayo, parang hindi sapat ang forever.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending