Nadine napraning sa COVID-19 pandemic: Nakakatakot, sabi ko the world is going to end!
NAGPAKA-BUSY si Nadine Lustre habang naka-lockdown sa bahay sa loob ng halos apat na buwan dulot ng COVID-19 pandemic.
Ito’y para labanan ang depression at anxiety o ang mental at physical stress na maaari niyang maramdaman habang “nakakulong” nang nag-iisa sa kanyang bahay.
Maraming natutunan ang award-winning actress habang naka-stay at home at dito nga niya napatunayan ang powers ng bago niyang mantra sa buhay, ang “You are energy”.
“Yes, I absorbed that, ‘you are energy’. Natutunan ko ‘yan nu’ng ECQ. Lahat tayo we have to be careful what we wish for. That’s the law of attraction. Sobrang naging negative kasi ako because of everything happening.
“Hindi ko rin made-deny kasi ang daming nangyari, nakakatakot! I was very emotional. Sabi ko the world is going to end. For a week ganu’n ako, napraning talaga ako!” pahayag ni Nadine panayam ng ABS-CBN.
Patuloy pa ng dalaga, “So, binago ko point of view and mindset ko. It’s true, we have to be careful with the energy and thoughts we put out. What we give out is what we get in return.”
At para nga paglabanan ang mga negatibong epekto ng lockdown, “I picked up new hobbies and do things I didn’t think I can do before. I did meditation, yoga and I attended online biking and spinning classes, one hour sessions.”
Bukod dito, natuto ring magluto si Nadine ng iba’t ibang putahe at may mga bagong kanta rin siyang na-compose.
Para naman sa lahat ng nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, pati na rin sa mga kapwa Kapamilya niyang natanggal sa ABS-CBN, huwag na huwag daw susuko sa laban.
“Ang hirap talaga, kapit-kapit lang tayo. It’s disheartening to see companies closing and people I know nabawas ng kumpanya.
“In anyway I want to help and encourage them to do something else at maghanap ng ibang pagkakitaan,” pahayag ni Nadine.
Sa huli, nagpasalamat ang aktres sa lahat ng nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya. Pero kapansin-pansin na hindi na niya nabanggit sa kanyang mensahe ang ex-boyfriend na si James Reid sa gitna ng mga chika na nagbalikan na umano ang dating magdyowa.
“I am also lucky to have friends and family checking on me. I also have my brother, an assistant and my dogs staying with me! I have learned to count my blessings,” ani Nadine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.