Kim muling humirit kontra-gobyerno: #SonaAll! Mga tao muna bago sariling agenda | Bandera

Kim muling humirit kontra-gobyerno: #SonaAll! Mga tao muna bago sariling agenda

Ervin Santiago - July 29, 2020 - 10:31 AM

 

INGGIT na inggit ang controversial actress na si Kim Chiu sa mga bansang mabilis na nagtagumpay sa paglaban kontra-COVID-19.

 

Ito’y dahil na rin sa mahusay na pamumuno ng kanilang mga leader base sa inilabas na artikulo ng Forbes magazine.

 

Ipinost ng dalaga ang screenshot ng nasabing artikulo sa kanyang Instagram Stories na pinamagatang “What Do Countries With The Best Coronavirus Responses Have In Common? Women Leaders.”

 

Partikular na tinukoy dito ang mga epektibong paraan na ipinatupad ng mga kababaihang leaders para makontrol ang pandemya sa kani-kanilang bansa, kabilang na riyan sina Chancellor Angela Merkel ng Germany, Taiwan President Tsai Ing-wen, New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, Iceland Prime Minister Katrín Jakobsdóttir, Finland Prime Minister Sanna Marin, Norwegian Prime Minister Erna Solberg, at Prime Minister Mette Frederiksen ng Denmark.

 

Diyan humugot si Kim para ikumpara ang mga ginawa ng gobyerno ng Pilipinas sa pakikipaglaban sa COVID-19. Ang nabanggit ni Kim na “#SonaAll” sa kanyang pahayag ay maliwanag na patutsada niya sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

 

Narito ang buong caption ni Kim sa ipinost niya sa kanyang IG Stories, “#SonaAll welfare ng tao ang iniisip mahirap man, middle class man or mayaman man. [pensive face emoji].

 

“Mga tao muna bago ang sariling agenda. [pensive face emoji].”

 

Pero bago pa siya putaktihin ng bashers, inunahan na niya ang mga ito at sinabing nagsasalita siya bilang isang taxpayer na nanghihinayang sa binabayad niyang buwis sa gobyerno.

 

“Hep! Before kayo mag bad comment, this is just my opinion as a TAX payer and isang mamamayan na nalulungkot sa nangyayari sa ating bayan,” pahayag ni Kim.

 

Hirit pa ng aktres, sana raw maaaring makapili ang taxpayer kung saang sektor ng lipunan niya gustong ilaan ang kanyang buwis.

 

“Bayaran na nanaman ng Monthly tax, ITR and more.

 

“Sana may option kung saan mo ilalagay ang ibabayad mo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If I have a choice, EDUCATION AND HEALTH fund. Kung may ganu’n man,” sabi pa ni Kim.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending