True ba, Atty. Topacio nilait ang katawan ni Angel; fans ni Darna rumesbak | Bandera

True ba, Atty. Topacio nilait ang katawan ni Angel; fans ni Darna rumesbak

Reggee Bonoan - July 26, 2020 - 02:43 PM

 

 

TRENDING ang umano’y post ni Atty. Ferdinand Topacio sa social media kung saan pinagsalitaan nito ng hindi maganda si Angel Locsin.

“Yung Show ni Angel sa GMA7 ay pinamagatang LOBO, kaya LUMOBO sya. May Slipped Disc daw. Mataba pa rin,” ang mensahe umano ng celebrity lawyer sa kanyang post.

Tsinek namin ito sa mga social media accounts ng kilalang abogado sa showbiz industry na marami na ring natulungang kasamahan sa panulat at mga artista pagdating sa mga usaping legal, pero hindi na namin ito makita.

Sabi ng isang nagtanggol na netizen kay Angel, “Bago nya laitin si Angel Locsin tignan muna nya ang pisikal na itsura nya dahil sa pagiging Ala Gasul nya.

“Naturingang Atty ngunit mali mali pa ang Information, FYI po ang LOBO ay Teleserye ni Angel sa ABS-CBN not from GMA.”

At maging ang kilalang TV host-vlogger-producer at talent manager na si Ogie Diaz ay nagkomento sa pahayag na ito umano ng abogado.

Ni-repost ni Ogie ang mga larawang kuha ng netizens kay Angel habang namamahagi ng tulong sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang caption ni Ogie, “Bongga si Atty. Topacio kung me maise-share din siyang mga pagtulong sa mga nangangailangan, no? Para hindi siya napagbibintangang parang bawang na lahat na lang, gusto niyang sahugan para maging relevant.

“Saka kung me mga ganito sana siyang mga pics para hindi siya pagbintangang “famewhore.” Yun eh kung pwede lang naman bilang nagmamalasakit ako sa kanya.”

Dagdag pa ni Ogie, “Okay lang kaya ang ganitong misconduct sa Integrated Bar of the Philippines? IBP, pwede din po bang laitin ang ganitong miyembro n’yo?

“Kunwari, sabihin kong ‘wag siyang magbu-blue dahil baka mapagkamalan siyang gasulito, okay lang po ba yon?  Ay, wag na lang. Kastiguhin nyo na lang po ang bastos nyong miyembro. Otherwise, talaga lang tino-tolerate nyo ang ganitong uri ng abogado,” pahayag pa ng komedyante.

Base sa pagkakakilala namin kay Atty. Topacio na ilang beses na rin naming nakakasama sa premiere night ng mga pelikula ng Viva Films at sa mga birthday party ng ilang kasamahan sa panulat ay mahilig talaga siyang magkuwento at diretsong magsalita.

May respeto kami kay Atty. Topacio bilang abogado at wala rin naman siyang ipinakitang hindi maganda sa amin kaya nagulat kami sa sinabi niya tungkol kay Angel na ang tanging ginagawa lang ay ang tumulong sa mga nangangailangan.

Anyway, gusto naming isipin na nag-iingay lang si Atty. Topacio dahil may movie project siya na ang bida ay sina JC de Vera at Aljur Abrenica.

Sana po attorney hindi totoong gumagawa lang kayo ng ingay para sa bago n’yong proyekto at the expense of Angel Locsin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naniniwala kami na mahal n’yo ang entertainment industry pati na ang mga artistang tulad ni Angel na mula noon hanggang ngayon ay walang inatupag kundi ang tumulong.

Bukas po ang pahinang ito para sa inyong paliwanag kung totoong kayo nga ang nag-post ng negatibong pahayag patungko kay Angel. Agad din namin itong ilalabas dito sa BANDERA sa ngalan ng pagiging parehas at patas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending