Kampo ni Catriona kakasuhan lahat ng nagpakalat ng pekeng nude photo ng beauty queen
SUNUD-SUNOD ang mga negatibong nasusulat tungkol kay 2018 Miss Universe Catriona Gray na sinimulan ng dati niyang karelasyon na si Clint Bondad.
Mula nang mag-post ng mga cryptic message sa kanyang Instagram stories si Clint na pinaniniwalaang patungkol kay Catriona ay nagsimula na ring maglabasan ang mga paninira sa dalaga.
Iisa ang komento ng netizens, hindi pa rin maka-move on si Clint dahil nakikita niyang maganda at masaya ngayon si Catriona sa piling ng boyfriend nitong si Sam Milby.
Marahil ito ang hindi matanggap ni Clint na ang babaeng nakarelasyon niya ng anim na taon ay wala na sa piling niya kaya nagse-self distract at idinamay pa ang nakaraan nila ni Catriona.
Samantala, bukod sa cryptic messages na ipino-post ni Clint na may halong pagbabanta na marami pa siyang pasabog, ay sumabay naman ang pagkalat na mga nude photos ng isang babae (may nakahiga sa bathtub at sa kama).
Ipinatong sa katawan ng hubad na babae ang litrato ng ulo ni Catriona para magmukhang siya ang nasa photo.
Sabi ng netizens, edited ito at kinuha ang bathtub photo sa promo ng Bench na may titulong “Catriona Gray Does Valentine’s” na nai-post sa YouTube noong Feb. 5, 2014.
Ikinabit pa ang nasabing nude at bathtub photos sa pangalan ni Clint kaya nag-react na ang management company ni Catriona, ang Cornerstone Entertainment.
Naglabas na ng official statement ang legal counsel ng Cornerstone na si Atty. Joji Alonso at binalaan ang lahat ng magkakalat ng pekeng larawan ni Catriona. Kakasuhan din nila ang taong nasa likod ng pambabastos sa beauty queen.
Ani Atty. Joji, “There is already so much wickedness happening these days. Maligning an innocent soul’s tantamount to injustice. Or just pure evil.”
Narito ang kanilang fficial statement: “It has come to our attention that an alleged topless photo of Miss Universe 2018 Catriona Gray has been spreading online and a certain tabloid will be releasing it.
“We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered.
“We are actively coordinating with authorities to hold accountable whoever is behind this scheme and face penal sanctions accordingly. We will likewise take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo.
“We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray.
“At a time when fake news is prevalent, we firmly urge the public to be discerning and critical of what they see and share on social media.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.