Delivery business ni Dingdong suportado ng 2 senador; riders dumaan sa matinding training | Bandera

Delivery business ni Dingdong suportado ng 2 senador; riders dumaan sa matinding training

Ervin Santiago - July 19, 2020 - 02:11 PM

 

 

HINDI pa man nagsisimula ang operasyon ng bagong delivery business ni Dingdong Dantes, grabe na ang suportang tinatanggap nito mula sa iba’t ibang sektor.

Mula sa mga private individuals hanggang sa ilang public officials ay katuwang na ngayon ng Kapuso Primetime King sa kanyang DingDong PH delivery app.

Ang bagong business venture ni Dingdong ang isa sa mga naisip niyang paraan para mabigyan ng trabaho ang ilang kasamahan sa showbiz na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Nag-post ang mister ni Marian Rivera sa Instagram ng ilang litrato na kuha sa contract signing ng DingDong PH at ng kanilang business partners, kabilang na riyan ang team na nag-training sa kanilang magiging delivery riders.

“#DingDongPH is grateful to be blessed with friends and partners who believe in our cause of empowering others and who generously support our community, especially our partner riders.

“Madalas man kami magpapansin gamit ang Dingdong jokes, walang biro ang training ng ating mga riders para kapansin-pansin ang service namin,” caption ni Dingdong sa mga photos.

“Bukod sa road safety and discipline, naglaan din tayo ng oras upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang ating partner riders on proper food and beverage handling, customer service excellence, and basic first aid and emergency preparedness.

“May sessions din on financial management, spiritual preparedness at values formation. Lahat ng iyan ay hinatid ng ating pool of experts. Bukod sa basics, may advanced riding tips din silang natanggap mula sa isang Philippine Superbike Champion,” aniya pa.

Nagpasalamat din ang “Descendants of the Sun PH” lead actor sa suporta nina Cabinet Secretary Karlo Nograles, Senate Committees on Labor, Employment, and Human Resource Development Sen. Joel Villanueva at Sen. Risa Hontiveros.

“Again and on behalf of the DingDong community, taus-puso kaming nagpapasalamat to our trainers and supporters for helping us holistically prepare our rider community,” mensahe pa ni Dingdong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabuo ang delivery business na ito ng Kapuso TV host-actor nang maka-experience ng logistics problem, partikular na sa pagde-deliver ng ilang order sa floral business ni Marian.

Dahil dito, si Dingdong mismo ang nag-deliver ng order sa customer ng kanyang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending