Angel beast mode sa rally: Hindi ako mayaman! Wala akong pera sa ABS-CBN! | Bandera

Angel beast mode sa rally: Hindi ako mayaman! Wala akong pera sa ABS-CBN!

Ervin Santiago - July 19, 2020 - 01:48 PM

 

WALA nang pakialam si Angel Locsin kung isumpa o pagsalitaan siya nang masasama ng mga taong kumokontra sa ABS-CBN.

Nagpupuyos sa galit ang Kapamilya actress nang humarap sa mga empleyado ng ipinasarang TV-radio network na naki-join sa rally na ginanap sa harap ng ABS-CBN building sa Quezon City kagabi.

Ayon kay Angel mas pinili niyang magsalita at maibandera ang kanyang saloobin hinggil sa mga nangyayari sa kanyang mother network kahit na matindi na ang pambabatikos sa kanya.

Dito matapang niyang tinira ang mga kongresistang nagsabi na mas mabuting ibenta na lang ng mga may-ari ng ABS-CBN ang istasyon para maisalba ang kumpanya.

“Galit na galit ako sa mga lumalabas na balita. Ibebenta daw ang ABS-CBN. Umpisa pa lang ‘yun na ang gusto niyo? Kunin ang ABS-CBN at i-control ang media?” ang masamang-masama ang loon na pahayag ng dalaga.

Hirit pa niya, “Hindi ako papayag na du’n ako sa maling part ng history kakampi. Alam ko taas noo tama ang pinaglalaban ko.”

Mariin namang itinanggi ni Angel ang lumalabas na tsismis na malaki raw kasi ang pera niya sa ABS-CBN bilang isang stockholder kaya super affected siya sa pagsasara nito.

“Hindi ako mayaman. Wala akong pera sa ABS-CBN. Wala akong kontrata. Ang mga taong ‘to, sila ang nagbigay ng trabaho sa akin.

“Sila ‘yung tumulong sa akin noong walang-wala ang pamilya ko. May utang na loob ako sa kanila. Pero ginagawa ko ‘to dahil ito ang tama para sa mga tao,” depensa ng partner ng film producer na si Neil Arce.

Sa isang bahagi ng kanyang mensahe sa mga nakilahok sa rally, binanggit ng aktres-TV host na masusing bantayan ang mga kilos mga kongresistang bumoto para hindi na mabigyan ng bagong prangkisa ang Dos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sa akin lang, hahayaan ba natin na ang laban ng mga mayayaman ang mga mahihirap ang magdusa?

“Huwag kayong matakot magsalita, mag-observe, bantayan ang 70 na congressmen na ‘yan. Bantayan kung ilan ang ari-arian nila,” pahayag pa ng tinaguriang tunay na Darna ng Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending