Vice Ganda sa pagpapasara ng ABS-CBN: 'Mali ang pinatay ninyo' | Bandera

Vice Ganda sa pagpapasara ng ABS-CBN: ‘Mali ang pinatay ninyo’

Karlos Bautista - July 18, 2020 - 02:31 PM

SA pagpapasara ng ABS-CBN, ang pamilyang Lopez nga ba ang maghihirap?

Para kay Vice Ganda, hindi. “Mali ang natarget nyo. Mali ang pinatay ninyo.”

Ayon sa Kapamilya host, ang desisyon ng mga mambabatas na hindi bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN ay magreresulta ng kawalan ng hanapbuhay ng libong empleyado ng network.

“Sa pagpapasara ng ABS CBN mawawalan ng malaking pagkakakitaan ang mga Lopez,” ani Vice Ganda sa kanyang tweet.

“Pero sigurado akong di sila maghihirap. Napakayaman na nila para maghirap,” dagdag pa ng “It’s Showtime” host.

“Ang totoong magdudusa dito ay ang mga pangkarinawang manggagawa na nawalan ng trabaho. Sila ang maghihirap,” ayon pa sa 44-gulang na komedyante.

Noong Hulyo 10, 70 mambabatas na kasapi ng House committee on legislative franchises ang nagdesisyong ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong 25-taong prangkisa. Nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 5.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng Kapamilya network na masisimula itong magtanggal ng mga empleyado sa darating na Agosto 31.

“Kaya kung inaakala nyong nagtagumpay kayo e nagkakamali kayo. Mali ang natarget nyo. Mali ang pinatay ninyo,” wika ni Vice Ganda.

“At lahat yan ay mumultuhin at gagambalain kayo. Alam nyo kung sino kayo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending