MMFF tuloy pa rin sa Disyembre sa kabila ng pandemya
KAHIT may Covid-19 pandemic ay tuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival sa December 2020, ayon sa resulta ng meeting ng mga kinatawan ng MMDA/MMFF nitong Biyernes ng hapon.
Iisa kasi ang tanong ng lahat, “May MMFF ba kahit may pandemya? Hindi pa nga nagbubukas ang mga sinehan? O baka ‘yung mga pelikulang natapos na hindi pa naipalabas ang isasali?”
Ayon kay Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF, nakapag-submit na noon pang Mayo 18 ang ilang producers ng kanilang entries para sa taunang film fest.
Narito ang mga napiling unang apat na entry para sa 2020 MMFF.
1. “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan” – (Horror-Regal Films)
Lead actors – Joshua Garcia at Angie Ferro
Director – Chito Roño
Scriptwriter – Bob Ong
2. “MagikLand” – (Fantasy/Adventure Brightlight Leisure Productions, Inc/Gallaga-Reyes Films)
Lead actors – Jun Urbano, Migs Cuaderno, Joshua Eugenio, Jamir Zabarte, Dwight Gaston, Bibeth Orteza, Elijah Aleto, Princess Aliyah Rabarra, Hailey Mendez, Kenken Duyad.
Director – Christian Acuna
Scriptwriters – Antoinette Jadaone, Irene Villamor, Rod C. Marmol, Pat Apura at Dwein Baltazar.
3. “Praybeyt Benjamin 3” – (Comedy – ABS-CBN Film Productions, Inc/Viva Films)
Lead Actor – Vice Ganda
Scriptwriters – Daisy Cayanan, Dip Marispoque, Jonathan James Albano
4. “The Exorcism of My Siszums” – Comedy Horror (TinCan)
Lead Actresses – Toni Gonzaga at Alex Gonnzaga
Direktor – Fifth Solomon
Scriptwriter – Fifth Solomon
Samantala, tinanong namin si Noel kung ano na ang plano nila sa mga pelikulang entry noong Summer MMFF na hindi natuloy dahil sa 2019 coronavirus disease.
“May sure slot sila sa Summer MMFF 2021, unless they want to try out sa Finish Film submission sa Christmas MMFF 2020,” paliwanag ni Noel.
Sa madaling salita, hindi automatic na isasali ang mga pelikula sa Disyembre at desisyon pa rin ito ng producer.
“Yes, aminado naman kasi na iba ang audience ng December MMFF,” sabi pa sa amin.
Ang mga pelikulang pasok sa Summer MMFF 2020 na hindi pa naipalabas ay ang mga sumusunod: “A Hard Day” starring Dingdong Dantes and John Arcilla; “Tagpuan” nina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao; “Love The Way You Lie” starring Alex Gonzaga, Xian Lim and Kylie Verzosa.
Pasok din ang “Isa Pang Bahaghari” starring Nora Aunor, Philip Salvador.and Michael De Mesa; “Love or Money” nina Coco Martin at Angelica Panganiban; “Coming Home” starring Jinggoy Estrada and Sylvia Sanchez; “Ngayon Kaya” starring Paulo Avelino and Janine Gutierrez; at “The Missing” nina Joseph Marco, Ritz Azul at Miles Ocampo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.