Bistek dedma sa paninira ng mga troll; mas feel manood ng K-Drama
NA-WOW mali!
Yan ang bwelta ng kampo ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga bashers na nagpapakalat ng hate message laban sa kanya.
Binigyan kasi ng maling interpretasyon ng mga troll at basher sa social media ang actor-politician ang isa niyang post Facebook.
Muling nagpaalala si Bistek sa madlang pipol na hindi pa tuluyang nakaka-recover ang bansa sa COVID-19 kaya kailangan pa rin ng tripleng pag-iingat ng bawat isang Pilipino.
Bahagi ng post ni Bistek, “Common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease.”
Isang netizen ang bumanat sa dating mayor na ang mga frontliners umano ang pinatatamaan sa niya sa kanyang post.
Ayon sa kampo ni Bistek, mukhang nakalimutan ng netizen na isa ring frontliner si Herbert dahil isa siyang reserved general ng Armed Forces of the Philippines.
Sa kanyang termino, nagpatayo siya ng hospital at isinaayos ang sistema rito para sa kapakanan ng mga mahihirap.
Tahimik din siyang tumutulong sa mga biktima ng pandemya sa Quezon City nang walang publisidad sa social media.
Kesa pansinin ang mga trolls at bashers niya sa social media lalo na’t wala namang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya, inaabala na lang ni Herbert ang sarili sa pagpi-paint at panonood ng mga Koreanovela gaya ng “The World of Married Couple,” “Vagabond” at “Misty.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.