Barbie biktima ng bagong modus sa socmed: Mag-ingat po tayo sa mga manloloko
BINALAAN ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang kanyang mga fans at followers laban sa mga sindikato sa social media.
Nakarating kasi kay Barbie ang balita na may isang taong gumagamit sa pangalan niya para makapanloko ng kapwa.
Sa kanyang Instagram story, ibinuking ng Kapuso Drama Princess ang modus ng poser sa internet kasabay ng pagbibigay ng warning na sana’y itigil na nito ang panloloko ng kapwa.
Ibinahagi pa ni Barbie ang isang text conversation na umano’y nangyari sa pagitan ng isang online seller at ng taong nagpapakilalang “Michelle Fuentes” na road manager daw ni Barbie.
Ayon sa dalaga, wala siyang kilalang “Michelle Fuentes” kaya anumang trasaksyon o usapang sinasabi nito gamit ang kanyang litrato at pangalan ay walang katotohanan.
“Wala po akong kilalang Michelle Fuentes. Lahat po ng pino-post ko dito sa IG Stories ay sa akin mismo nag-message.
“Nag-DM sila sa IG Direct ko. Nakakalungkot na ginagamit ng ibang tao ang panahong ito para makapangloko ng kapwa. Magingat po tayo,” pahayag pa ni Barbie.
Hindi ito ang unang beses na nabiktima ng mga poser si Barbie. Ilang buwan na ang nakararaan, nalaman niyang may gumagawa ng pekeng socmed accounts gamit ang name at picture niya.
“Someone’s using my TikTok username as their IG name to sell products. FYI, THIS IS NOT ME,” ang babala ng girlfriend ni Jak Roberto sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.