Dante Gulapa humingi 'ayuda' sa madlang pipol; hirap maningil sa pautang | Bandera

Dante Gulapa humingi ‘ayuda’ sa madlang pipol; hirap maningil sa pautang

Ervin Santiago |July 15,2020
facebook
share this

Dante Gulapa humingi ‘ayuda’ sa madlang pipol; hirap maningil sa pautang

Ervin Santiago - July 15, 2020 - 01:47 PM

 

KINAPALAN na ng internet sensation na si Dante Gulapa ang kanyang mukha para lang makahanap ng bagong pagkakakitaan ngayong panahon ng pamdemya.

Sa kanyang Facebook account, humingi siya ng tulong sa madlang pipol para magkaroon ng trabaho dahil hirap na hirap na siyang buhayin ang kanyang tatlong anak.

“HI PO MGA KA IDOL. KUMUSTA NA PO KAYO? MAGTATANONG LANG PO AKO,” bungad ni Dante sa kanyang FB post.

“BAKA MAY ALAM [KAYONG PUWEDE] KO [APPLY-ANG] TRABAHO MGA IDOL [KASI] HIRAP NG BUHAY [NGAYON] PARA MAY PANG SUPORTA NAMAN PO AKO SA MGA ANAK KO. PM LANG NINYO IDOL KUNG MAY ALAM PO [KAYO],” patuloy pa niya.

Inamin ng dating macho dancer na magkahiwalay sila ngayon ng bahay ng kanyang asawa dahil nagkaroon sila ng samaan ng loob.

“[BUMUKOD] NA PO MUNA AKO [KASI] LAGI NA KAMI [NAG-AAWAY] NG ASAWA KO KAYA [ITO] KAILANGAN KO NA PO MGA HANAP BUHAY MGA IDOL PARA MASUPORTAHAN KO 3 [KONG] ANAK.”

Aniya, hirap din siyang maningil sa kanyang pautang ngayong panahon ng pandemya kaya hindi na rin niya alam kung saan kukuha ng panggastos araw-araw.

“‘YONG MGA PA UTANG KO NA PERA KINITA KO [HINDI] PO AKO NAKAKA SINGIL TAPOS WALA MGA EVENT KAYA [ITO NGANGA] PO AKO [NGAYON] IDOL,” pahayag pa ni Dante na sumikat nang bonggang-bongga dahil sa kanyang viral “flying eagle dance.”

Hirit pa ni Dante, puro diskarte lang ang ginagawa niya para kumita dahil wala naman siyang work experience kaya sana’y may magmagandang-loob na tulungan siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending