outbrain

Paolo, Wally bibida sa ‘Pwede Judgmental’, pero hindi sa GMA mapapanood

By Alex Brosas July 14,2020
share this

Paolo, Wally bibida sa ‘Pwede Judgmental’, pero hindi sa GMA mapapanood

By Alex Brosas July 14,2020 - 04:06 PM

TILA magkakaroon ng spin off ang “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga.

May nakarating sa aming chika na may bagong show sa CIGNAL na ipo-produce ng APT Productions.

Pagbibidahan ito ng Eat Bulaga hosts na sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola.

The title? “Puwede Judgmental”.

Naisip siguro ng mga taga-APT na sikat na sikat na ang “Bawal Judmental” kaya naman malakas ang recall kung magkakaroon ito ng spin off.

Wala rin naman silang problema sa content dahil tiyak na naiiba ito ng konti sa “Bawal Judgmental.”

Mag-click kaya ito kung magiging stand-alone show?

Teka, paano ang magiging taping nito, eh, araw-araw ang “Bawal Judgmental” segment sa Eat Bulaga?

Hindi kaya isa lang itong once-a-week show?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending