outbrain

Kris balik-socmed matapos mapurnada ang talkshow sa TV5; may mga bagong pasabog

By Reggee Bonoan July 14,2020
share this

Kris balik-socmed matapos mapurnada ang talkshow sa TV5; may mga bagong pasabog

By Reggee Bonoan July 14,2020 - 01:18 PM

SHE’S back! Balik-social media na nga si Kris Aquino!

Grabe ilang araw lang nawala si Kris pero ang dami na kaagad naka-miss sa kanya.

Iba raw kasi ‘yung nag-deactivate siya kaysa sa matagal siyang hindi nagpo-post ng mga ganap sa buhay niya tulad nu’ng inabutan sila ng lockdown sa Puerto Gallera na may ilang araw siyang walang updates.

“Kahit kasi walang bagong post si Kris, at least nakikita pa rin siya sa IG, puwede mong ulit-ulitin ang mga post niya compared sa totally walang Kris Aquino sa IG,” ang katwiran sa amin ng avid fan ng Queen of Social Media.

Matatandaang deactivated ng ilang araw ang Instagram account ni Kris dahil sa nangyaring bulilyaso sa project niya sa TV5 na dapat sana ay eere na ngayong July 25.

Nang magtanong kami sa Cornerstone Entertainment na namamahala sa karera ni Kris ay wala silang maibigay na rason kung bakit hindi ito natuloy dahil anila hindi sila ang direktang kausap ng TV5 kundi ang producer ng programang “Love Life with Kris.”

Sayang ang dami pa namang na-excite na supporters ni Kris at maski sa ibang bansa ay pinadadalhan kami ng mensahe na curious na silang muling mapanood uli ang kanilang idolo sa YouTube.

Anyway, nitong Lunes ay may post si Kris na picture messages at dito niya ikinuwento ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kanyang pagbabalik telebisyon.

Ang caption ni Kris, “I thank my sisters for being my source of peace & calm I thank @jeffvadillo, the @cornerstone FAMILY, and @visionerickson for finding a new, more EXCITING path for me to take.

“I’lI thank @gideon.pena for his diligence in protecting me and I thank my sons for allowing me to see that there’s no need to keep holding on, because I must just let myself be held in the warmth of their love.”

Ang mga nakasulat naman sa picture message ay, “An EXPLANATION: something I cannot give you because I don’t possess clear facts. BUT my heart knows that the station where I was to have a block time slot is part of the huge conglomerate that took a risk with me with their prized jewels when I embarked on my digital journey in 2017.
“And I BELIEVE in their leader’s INTEGRITY. That conviction though tested, because after all I am HUMAN remains steadfast. When others turned their backs on me, his group opened their doors kaya simple lang, smart na ako.

“SILENCE: an act we all know in the past I was incapable of, but I am NOW living proof, of a person can mature and control her emotions.

“SELFLESSNESS: an admirable quality, I admit, was unattributable to me but that’s why my father’s life anthem was IMPOSSIBLE DREAM. I am proudly his daughter in every sense of the word.

“PAIN: that which gives us clearer vision of who we are and what we are made of.

“PATIENCE: what 4 years has taught me.

“FAMILY: ‘Together WE STAND, Divided WE FALL.’ A deathbed promise of UNITY COME WHAT MAY, we made to out mother… a few weeks before her 11th death anniversary, we had to be reminded by trials that would break even the strongest that we were born SURVIVORS.

“We had MOM who shielded us, protectec us, patiently molded us all the while ultimately fulfilling her PROMISE TO OUR FATHER and in my case, she believed the day would come when I would not give in to my worst impulses and only choose battles worth putting my armour on for.
“DESTINY: Time shall dictate when I can share my story, our family’s recent story with you. I pray to have a larger forum to give you HOPE because as a mother I know, the strength of our contry will come from inventing in our future-our

“CHILDREN: their health and nutrition, their education, their safety and well-being. My reason for not giving up has been my sons. And I know all parents share my sentiment. We must survive today in order to give them FAITH in TOMORROW.”

Agaw pansin sa amin ang sinabi ni Kris na pinasasalamatan niya ang kanyang manager na si Erickson, “for finding a new, more EXCITING path for me to take.”

So, ibig sabihin may bagong nilulutong project ang Queen of Social Media na kapalit ng “Love life with Kris?”

Hmmm, knowing Cornerstone na nasa digital online world na rin kaya posibleng ito na rin ang tatahaking landas ni Kris. Excited kami kung ano bago niyang pasabog — talk show? Digi-series? O pelikula? Abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending