70 kongresista inokray ni Vice sa Showtime: Ituloy-tuloy natin ang palabas! | Bandera

70 kongresista inokray ni Vice sa Showtime: Ituloy-tuloy natin ang palabas!

- July 14, 2020 - 09:50 AM

IBANG-IBANG Vice Ganda na ang humarap sa madlang pipol sa nakaraang episode ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel.

Kung naging emosyonal ang TV host-comedian noong nakaraang mga araw, ngayon ay masiglang-masigla na siya at palaban na uli sa kanyang mga jokes at punchline.

Sa opening number nga nila kahapon, pinaringgan at inokray niya ang 70 kongresista na bumoto para tuluyan nang mapatigil ang operasyon ng free TV ng ABS-CBN.

Kasabay nito, muli rin niyang pinasalamatan ang 11 mambabatas na pumabor sa muling pagbibigay ng prangkisa sa Kapamilya Network.

“Gusto lang ho naming linawin sa mga manonood natin, lahat po ng pumasok dito na galing sa iba’t ibang barangay at galing sa distrito ay tsinek namin kung ang kanilang mga congressmen ay pasok du’n sa Top 11 na kaibigan namin.

“Charot lang!” biglang-bawi ng TV host.

Hirit pa niya, “Mabuhay ang labing-isang mambabatas! Habambuhay namin kayong ipagdiriwang!

“Du’n sa seventy, ituloy-tuloy natin ang palabas,” sey pa ni Vice.

Kung matatandaan, nitong nagdaang Sabado, nag-walk out si Vice sa opening number ng It’s Showtime dahil hindi na raw niya kaya ang bigat ng kanyang dibdib dahil sa pagkadismaya sa resulta ng hearing.

“Kailangan kong umexit sa point na ‘yun para umiyak. I couldn’t fake it. Pero ok nako after humagulgol,” ani Vice.

Nauna rito, nagbigay din siya ng komento matapos ihayag ang desisyon ng Congress, “Ang ABS-CBN, ang serbisyong ibinigay niya ay naging malaking bahagi ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Napakalaking bahagi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tungkol ito sa ating lahat. Hindi ito tungkol lang sa mga taga-ABS-CBN, sa mga artista. Tungkol ito sa ating lahat. Tungkol ito sa buhay natin,” sabi pa ng komedyante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending