outbrain

#IkawNa: Internet sensation Mimiyuuuh nakabili na ng house & lot para sa pamilya

By Ervin Santiago July 13,2020
share this

#IkawNa: Internet sensation Mimiyuuuh nakabili na ng house & lot para sa pamilya

By Ervin Santiago July 13,2020 - 10:01 AM

 

NANG dahil sa pagiging vlogger at social media influencer, natupad na ni Mimiyuuuh ang isa sa mga pangarap niya sa buhay.

Sa edad na 23, nakabili na ng house and lot ang sikat na YouTuber na iniaalay niya sa kanyang pamilya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwala sa bago niyang achievement. Never daw niyang naisip na this early ay makakapagpundar na siya ng sariling bahay.

Kaya naman talagang abot-langit ang pasasalamat niya sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang mga vlogs dahil napakalaking bahagi raw ang mga ito ng kanyang tagumpay bilang content creator.

“Akala ko nga po mga nasa 30s pa ko makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family,” ani Mimiyuuuh sa panayam ng ABS-CBN.

Kuwento pa niya, excited na ang buong pamilya sa paglipat sa nabili niyang bahay.

“Nakahanap na po kami. Yehey! On-going na po yung pagpa-process niya,” kuwento ng vlogger.

Samantala, nang matanong sa nasabing interview kung ano ang mga bagong discovery niya sa kanyang sarili habang naka-quarantine, ang pagmamahal ng pamilya ang talagang pinakamahalaga.

Inamin din niya na medyo nahirapan siyang mag-adjust sa lockdown life, “Buti nga po ngayon pwede na pong lumabas kahit paano. Noong bawal pa po lumabas sabi nga ni Ate Kim Chiu, medyo nahirapan po ako mag-adjust.”

“Sa pag-stay ko po sa bahay nang matagal, na-realize ko po na live life to the fullest kasi hindi niyo na po talaga alam ang mangyayari sa susunod na araw.

“Dapat po pala, nag travel ako nang nag travel. Dapat pala niyakap ko at bineso ko ng bonggang-bongga yung mga tao!” pahayag pa ni Mimiyuuuh.

Sumikat nang bonggang-bongga ang YouTuber last year nang mag-viral ang kanyang “Dalagang Pilipina” dance challenge.

Mula noon, nagsunu-sunod na ang pakikipag-collaboration niya sa mga sikat na celebrities kabilang na ang idol niyang si Heart Evangelista, isama pa ang kanyang mga endorsements.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending