outbrain

Rayver sunud-sunuran sa utos ni Janine, pero may 1 hiling na hindi pinagbigyan

By Ervin Santiago July 12,2020
share this

Rayver sunud-sunuran sa utos ni Janine, pero may 1 hiling na hindi pinagbigyan

By Ervin Santiago July 12,2020 - 10:45 AM

 

LAHAT ng ipinag-utos ni Janine Gutierrez ay nagawa ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz — pero may isang challenge na talagang hindi niya kayang sundin.

Ayon sa Kapuso actor-TV host, handa niyang gawin ang lahat ng request ng kanyang girlfriend, huwag lang nitong “pakialaman” ang isa sa mga favorite hobbies niya.

Aliw na aliw ang mga netizens sa latest vlog ni Janine sa YouTube kung saan sumalang ang binata sa exciting na “Can’t Say No Challenge”.

Dito, dapat na sundin ni Rayver ang anumang hilingin ni Janine. In fairness, nasunod naman ng aktor ang lahat ng request ni Janine gaya ng pagpapaligo sa pet dog, pagluluto ng meryenda, at pagsayaw ng “Marikit” habang nakahiga.

Ngunit ang tanging hindi niya nasunod ay ang utos ni Janine na burahin niya ang kanyang account sa online game na Mobile Legends.

Tumanggi si Rayver sa request ng dyowa at nakiusap sa aktres na huwag siyang pilitin na sumunod.

“Kung sino man makakapanood nito, alam nila. Alam ng buong bansa kung gaano kahirap kapag nawala na ‘yung account mo sa ML kasi iba talaga, e. Si Alden alam ‘yan,” natatawang chika ni Rayver.

Samantala, magbabalik na nga ngayong tanghali sa GMA 7 ang “All-Out Sundays: The Stay Home party show” kung saan isa si Rayver sa mga host at regular performer.

Gaya ng ibang show, online muna magaganap ang kanilang performances at kanya-kanya muna sila ng set up sa kani-kanilang mga bahay.

“Kailangan na masanay na muna tayo ng ganito, e. kumbaga parang new normal nga kung tawagin nila. Kailangan matuto rin tayong mag-adapt muna,” ani Rayver.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending