ABS-CBN agaw-eksena sa ‘Saksi’ ng GMA: Nakakikilabot! Nakakaiyak!
“KINILABUTAN ako! Nakakaiyak!”
“Grabe ang GMA 7, kayo na talaga!”
“Nakakadurog ng puso!”
Ilan lang yan sa mga reaksyon ng netizens sa ipinakitang pagsuporta ng Kapuso Network sa ABS-CBN kagabi sa pamamagitan ng late-night news program na “Saksi”.
Trending at viral na ngayon ang closing spiel nina Raffy Tima at Pia Arcangel para sa “Saksi” kagabi kung saan ipinakita sa big scren sa kanilang likuran ang logo at tower ng Kapamilya Network.
Pagkatapos na pagkatapos bigkasin ng dalawang Kapuso news anchor ang mga katagang, “Para sa malayang Pilipino, kaisa kami ng lahat sa pagiging Saksi,” biglang ipinalabas sa backdrop ang video clip ng tower ng ABS-CBN na nasa dilim at sinundan nga ng logo ng istasyon.
Sa laging nakatutok sa “Saksi”, ang laging ginagamit na closing spiel ay, “Sama-sama tayong naging saksi.” Pero kagabi nga ay binago ito ni Raffy Tima.
Bukod dito, nag-tweet din si Raffy kagabi ng litrato nila ni Pia na kuha sa studio ng kanilang news programa na may caption na, “Salamat, Saksi.”
Wala siyang paliwanag sa kanyang post pero naniniwala ang kanyang followers na para ito sa buong production ng programa dahil sa pakikiisa sa pagdadalamhati ngayon ng ABS-CBN.
Ito’y matapos ngang magdesisyon ang Kongreso na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.
Isa si Raffy Tima sa mga Kapuso broadcast journalist na matapang at lantarang sumusuporta sa ABS-CBN. Nu’ng mabalitang tuluyan na ngang ibinasura ang franchise application ng network, agad na nagpahayag ng pagkadismaya si Raffy.
“Respeto at suporta sa aking mga kapwa mamamahayag. Nawa’y patuloy namin kayong makasama sa pagbabalita,” bahagi ng tweet ng Kapuso news reporter.
Ilang sandali lang matapos umere kagabi ang “Saksi”, kanya-kanyang post na ang netizens sa social media ng video clip ng closing spiel nina Pia at Raffy kasabay ng pagbaha ng positive at madamdaming comments para sa GMA.
Ayon sa ilang Twitter users, talagang naiyak at kinilabutan sila nang mapanood ang video. Pinatunayan daw ng GMA na sa mga panahong ito ay hindi na uso ang network war. Narito ang ilang mensaheng nabasa namin sa Twitter.
Ayon kay @lukrexia, “Sir Raffy pinaiyak nyo po ako dito!! Grabe nde ako empleyado ng ABSCBN Pero sobra sobra sobra po ang galit At lungkot ko sa mga mala demonyo sa Kamara. Salamat Kapuso, Salamat.”
Comment ni @kurtnoel_acal, “Ito yung gusto kong makita from GMA. walang kinikilingan, walang pinoprotekhan, serbisyong totoo lang. thanks GMA!”
Ayon naman kay @lucila, “Nakakaiyak na nakakatouch yung ginawa nyo po.Somehow nadagdagan ng lakas ng loob mga kapamliya.Thank you so much Kapuso.”
“I was a solid abs cbn ever since i was a child, i never watch gma7 specially their teleserye… But my respect goes to you ms. pia and mr raffytima and sa saksi for supporting abscbn,” sey ni @chubbyemzz.
Sabi ni @LamosteGerme, “Kahit panandalian mang mawala sa ere ang Kapamilya wala pa ring dapat ipangamba dahil alam ng marami na may Kapuso na patuloy na magseserbisyo para sa bayan. I admire your bravery sir @raffytima at ma’am @piaarcangel at pati rin sa ibang matatapang na journalist ng GMA.”
“Thank you sir @raffytima and mam @piaarcangel sa pakikidalamhati po. Naiyak ako dun sa part na nilabas sa screen yung Millennium Tower at Logo ng ABS CBN with matching lights off.”
Komento naman ni @SEANcharlord, Nice one, Sir Raffy. Nakakalilabot ang ginawa ng @gmanews dito! This is not about the networks war anymore, it is about defending the Press. This makes me more interested in watching your news even more. Sana magpatuloy ang mabubiting gawain mga Kapuso!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.