‘Vice Ganda Network’ bibigyan ng trabaho ang mga nawalan ng kita sa ABS-CBN
DAPAT ay ngayong Hulyo 17 na ang launching ng The Vice Ganda Network, ang sariling digital network ng TV host-comedian-producer.
Ngunit balitang naurong ito dahil sa kinakaharap na problema ngayon ng ABS-CBN matapos pagkaitan ng bagong prangkisa ng Kongreso.
Ayon sa aming source ay mapapanood ang The Vice Ganda Network sa online kung saan magso-show ang komedyante tulad ng ginagawa niya sa I’ts Showtime at Gandang Gabi Vice.
Tinanong namin kung hindi ba magkakaroon ng conflict ang TVGN dahil ang nilalaman nito ay katulad din ng shows niya sa ABS-CBN?
“Hindi naman kasi magkaiba naman ang genre,” sagot ng aming source.
Sa ngayon kasi ay sa Showtime lang napapanood si Vice at marami pa rin ang naghahanap ng mga ginagawa niya sa GGV.
Si Vice ang producer ng kanyang digital network at ang Viva raw ang in-charge sa marketing at technical. Bakit sa Viva lumapit ang TV host samantalang may digital department din naman ang ABS-CBN.
“Hindi ko alam, baka siguro hindi pa kaya or baka kasi busy sila sa problema nila, ayaw namang makisabay ni Vice. Kaya nga naurong ang launching, di ba?” sabi ng aming source.
Nabanggit din na magkakaroon din ng guest artists ang The Vice Ganda Network para magkaroon ng kita kahit paano ang mga nawalan ng shows sa ABS-CBN pati na ang mga Viva artists.
Ang Viva kasi ang namamahala ng movie career ni Vice at ABS-CBN naman sa mga shows niya sa TV.
Anyway, nagpaalam naman siguro si Vice sa ABS-CBN management tungkol sa bago niyang digital network para walang issue sakaling magkasilipan in the future.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.