Anak nina Marian at Dingdong marunong na ng gawaing-bahay; Heart 'ibebenta' ang Sorsogon | Bandera

Anak nina Marian at Dingdong marunong na ng gawaing-bahay; Heart ‘ibebenta’ ang Sorsogon

Ervin Santiago |July 11,2020
facebook
share this

Anak nina Marian at Dingdong marunong na ng gawaing-bahay; Heart ‘ibebenta’ ang Sorsogon

Ervin Santiago - July 11, 2020 - 12:24 PM

ALIW na aliw ang mga netizens sa latest video ni Zia Dantes na ipinost sa Instagram ng kanyang nanay na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Dito makikita ang isang super proud mommy dahil kahit bata pa lang ay makikita na ang kasipagan ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Ate Zia.

Sa IG story ng aktres, ipinakita niyang naghuhugas ng kubyertos ang anak na naka-suot pa ng cute na pink apron.

Marami ang humanga kay Marian sa paggamit ng panahon na ito para turuan ang mga anak niya ng mga gawaing bahay.

Matatandaang ikinuwento ni Marian sa nakaraang guesting sa online “All-Out Sundays” show na may sistema silang sinusundan ngayon sa bahay ni Dingdong pati na rin ng dalawa nilang anak.

“Dinivide namin ‘yung araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, ‘yan na ‘yung bonding namin,” kuwento ni Marian.

* * *

Bukod sa mga damit, bags at gadgets tulad ng powerbank, makikita na rin ngayon ang artwork ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa wearable air purifiers.

Ibinalita ito ni Heart sa kanyang Instagram account kalakip ang kanyang larawan na suot ang personal air purifier na mabibili online.

“Introducing you all to our Love Marie Air Purifier, featuring my paintings of course! Check out @essentialsmnl__ to get your own!” sabi ng Kapuso actress.

Isa rin sa mga pinagkakaabalan niya ngayon ay ang kanyang upcoming home décor line, ang Maison Love Marie, kung saan ibibida ni Heart ang handcrafted products mula sa Sorsogon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending