CLAUDINE inaatake ng pagkapraning, guwardiyado sina SABINA at SANTINO mula umaga hanggang gabi | Bandera

CLAUDINE inaatake ng pagkapraning, guwardiyado sina SABINA at SANTINO mula umaga hanggang gabi

Cristy Fermin - August 19, 2013 - 03:00 AM

Nakakatawa ang kuwento ng aming source tungkol sa masyadong pagiging paranoid ni Claudine Barretto sa labanan nila sa husgado ngayon ni Raymart Santiago.

Marami raw ginagawa ngayon si Claudine na dati naman ay hindi niya kinasanayang gawin. Halos araw-araw ay siya ang naghahatid sa school kina Sabina at Santino, nagbababad siya du’n hanggang sa pag-uwi ng kanyang mga anak, natatakot siguro siya na kunin ni Raymart du’n ang mga bata.

Kinabahan siguro si Claudine dahil ayon sa kampo ni Sunshine Cruz ay ganu’n ang ginawa ni Cesar Montano sa kanilang mga anak, sa eskuwelahan nito sinundo ang mga bata at saka hindi na pinauwi pa uli sa aktres, kaya nagtulak kay Sunshine na humingi na ng suporta sa husgado.

Parang kailan lang nu’ng makita pa naming namamasyal nang magkakasama sina Raymart at Claudine at ang kanilang mga anak, masasaya sila, parang hinding-hindi matitinag ang kanilang pagsasama.

Pero wala kaming kaalam-alam na nu’n pa lang pala ay meron na silang hindi pinagkakasunduan, pinipilit na lang pala ni Raymart na maisalba ang kung anumang natitira pa sa kanilang relasyon, hanggang sa sumuko na nga ito at tuluyan nang umalis sa kanilang bahay.

Sa takbo ng mga pangyayari ngayon ay si Raymart ang gusto nang tapusin ang lahat sa kanila ni Claudine, napuno na siguro talaga ang aktor, meron nga lang naman kasing hangganan ang pagpapasensiya at pagtitiis.

Ngayon na lang siguro napag-iisip-isip ni Claudine na sayang na sayang ang relasyong pareho nilang inalagaan ni Raymart, masyado kasi siyang nagpadala sa kanyang emosyon, sa kanyang mga nakasanayang gawin habang nagsasama pa sila na pumuno sa pasensiya ni Raymart.

Nakakaawa ang kanilang mga anak na walang kamuwang-muwang sa mga nagaganap ngayon.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending