Rhian may hugot kay Captain Barbell; Kim 1 year nang walang dyowa | Bandera

Rhian may hugot kay Captain Barbell; Kim 1 year nang walang dyowa

Ervin Santiago |July 10,2020
facebook
share this

Rhian may hugot kay Captain Barbell; Kim 1 year nang walang dyowa

Ervin Santiago - July 10, 2020 - 11:59 AM

MAHIGIT isang taon nang walang boyfriend ang Kapuso actress na si Kim Domingo.

Mula nang makipaghiwalay si Kim sa kanyang last boyfriend na si Mike Acuña, hindi na siya nagkaroon ng bagong dyowa. Single na single pa rin ngayon ang dalaga.

Kaya naman sa kanyang latest Instagram post ay may malalim na hugot siya sa pagiging single lady.

“People who have been single for too long are the hardest to love,” pahayag ng “Bubble Gang” star sa kanyang IG post.

Aniya pa, “They have become so used to being single, independent and self-sufficient that it takes something extraordinary to convince them that they need you in their life.”

Kung matatandaan, biglang inamin ng Kapuso star sa publiko na naghiwalay na sila ni Mike noong nakaraang taon. Ngunit wala siyang ibinigay na rason kung bakit sila nag-break.

Inamin din ni Kim na nabawasan ang kanyang fans nang itigil na niya ang pagpapa-sexy. Pero mas masaya raw siya ngayon dahil marami rin namang pumalit na tunay na humahanga sa kaniya.

* * *

Pag-amin ni Kapuso actress Rhian Ramos, hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang kabang naramdaman sa unang serye niya sa GMA noong 2006, ang TV remake ng “Captain Barbell.”

Ito raw ang nagpapaalala kay Rhian kung saan siya nagsimula bilang artista pati na rin ang lubos na pagtitiwala ng GMA sa kanya.

“Kapag iniisip ko siya, naalala ko pa rin ‘yung takot at kaba na naramdaman ko noong binitawan ko ‘yung una kong linya.

“Hanggang ngayon, ‘yun pa rin ‘yung kaba na nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ko ang lahat ng mga proyekto ko kasama ang GMA.

“Sila ang nagbibigay sa akin ng marami kong ‘firsts’ gaya ng drama at hosting. GMA ‘yung unang nagtiwala sa akin,” kwento ni Rhian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makikipagchikahan naman ngayong Biyernes si Rhian sa online get-together ng pinagbibidahang serye na “Love of my Life” na #LetsTalkLove, 6 p.m. sa Facebook page ng GMA Drama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending