Heart pak na pak ang sagot kung paano umutot ang mga sosyal!

Heart pak na pak ang sagot kung paano umutot ang mga sosyal!

Ervin Santiago |April 29,2024
facebook
share this

Heart pak na pak ang sagot kung paano umutot ang mga sosyal!

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 07:09 AM

Heart pak na pak ang sagot kung paano umutot ang mga sosyal!

Heart Evangelista

BONGGANG-BONGGA na naman ang bagong “pasabog” ni Heart Evangelista sa TikTok para sa kanyang “tutorial” session.

Bukod sa pag-attend sa mga bonggang fashion events dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, nahihilig din ngayon ang Kapuso star sa paggawa ng short content sa kanyang TikTok account.

After mag-viral sa social media ang ginawa niyang video kung saan sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung paano tumawa ang mayayaman, may latest entry na naman ang international fashion icon.

Baka Bet Mo: Piolo shookt sa pasabog ni Regine pagkatapos nilang gawin ang ‘Paano Kita Iibigin’…ano kaya yun?

This time, nireplayan naman ng wifey ni Sen. Chiz Escudero ang question ng isa niyang socmed follower kung paano nga ba umutot ang isang sosyalerang tulad niya.

As usual, kanal na kanal na naman ang hirit ng Kapuso actress na ikinaloka at ikinatuwa ng kanyang mga fans at social media followers.

Sa latest “tutorial video” na ipinost ni Heart sinagot nga niya ang tanong ng netizens na, “Kapag po umutot ‘yung sosyal paano?”

@lme85 Replying to @Kysia Lyka Lim Macas ♬ GEORGE VILORIO x SAMANTHA JONES x SCARDOW – ✮


Mapapanood sa video ang pagde-demonstrate ng aktres kung saan  pasimple siyang nag-spray ng perfume  sa katawan at sa kanyang paligid matapos kunwaring “nagpasabog” ng masamang hangin.

Makikitang natatawa pa ang misis ni Sen. Chiz habang ginagawa ang naturang video para sagutin ang kanyang follower.

Baka Bet Mo: Tom gusto pa ring magkapamilya kahit nawasak ang relasyon nila ni Carla

“Eto na po sagot,” ang caption ni Heart sa kanyang tutorial video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


In fairness, bet na bet ng mga netizens ang bagong video ni Heart at marami ang nagsabing relate much sila sa “utot” version ng aktres. Narito ang ilan sa reaksyon ng kanyang fans.

“May kanal humor din pala si Heart.”

“Ang mahal nyo naman po umutot, imagine magkano isang wisik ng perfume mo.”

Matatandaang pumatok din sa netizens ang TikTok video ni Heart tungkol sa “Rich girl laugh.” Kumasa nga siya sa hamon kung paano nga ba tumawa ang mga mayayaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko naman sinasabing rich ako, pero kung bet mong magpanggap, why not? Dapat bilang,” ang chika ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending