Rocco, GF kumasa sa 'Talim challenge' para sa 200 senior; Sheena handa nang maging mommy | Bandera

Rocco, GF kumasa sa ‘Talim challenge’ para sa 200 senior; Sheena handa nang maging mommy

Ervin Santiago |July 09,2020
facebook
share this

Rocco, GF kumasa sa ‘Talim challenge’ para sa 200 senior; Sheena handa nang maging mommy

Ervin Santiago - July 09, 2020 - 11:36 AM

 

 

SA kabila ng mga challenge na sinuong, abot-langit pa rin ang naramdamang kaligayahan ni Rocco Nacino at ng kanyang girlfriend na si Melissa Gohing nitong nakaraang linggo.

Magkasama kasi silang nagbigay ng ayuda sa mga lolo at lola sa isang isla sa Rizal Province na naapektuhan din ng lockdown dulot ng COVID-19.

Sa tulong ng Philippine Navy, personal na nagpaabot ng kanyang tulong ang Kapuso hunk kasama ang kasintahan, sa mahigit 200 na senior citizens sa Talim Island, Rizal.

Tuwang-tuwa ang mga residente roon sa pagbisita ng “Descendants of the Sun PH” actor sa kanilang lugar.

Sila ang mga unang benepisyaryo ng “Help From The Heart” fundraiser na sinimulan nina Rocco at Melissa.

Kuwento ni Rocco, hindi naging madali ang pagbiyahe nila papunta sa Talim Island, “Kailangan mong i-biyahe by boat so pumunta kami sa isang port.
“Sasakay ka ng bangka, tapos sasakay ulit pagdating doon hanggang makarating sa barangay. Ganoon siya kalayo.
“So these are the people we wanna help that’s why we are really happy na tinutulungan kami ng Philippine Navy. Hindi namin ito mapu-pull off kung wala sila,” lahad pa ng binata.

Matapos ang naganap na relief operation, nag-ikot din ang grupo ni Rocco sa lugar para magbigay ng tulong sa mga frontliner na naka-assign sa mga checkpoint.

* * *

Pinaghahandaan na ng Kapuso actress na si Sheena Halili at asawang si Jeron Manzanero ang pagdating ng kanilang first baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan na noong June 13 ay inanunsyo ng aktres ang pagbubuntis sa isang Instagram post at inulan ito ng congratulatory messages at well wishes mula sa fans at mga kaibigan sa showbiz.

Ibinahagi rin ni Sheena ang kanyang promise para sa baby nang mamili ito ng newborn clothes, “Ilang buwan ang nakalipas damit ko at ni daddy lang ang binibili ko.
“Ngayon, at mula ngayon, ikaw na ang uunahin ko! #newbornclothes. Eto ang first ever damiit na binili namin ni daddy para sa iyo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending