Traffic enforcers na expired ang lisensiya kinastigo ni Vico; Carlo Katigbak nag-trending
MABAIT pero straightforward si Pasig City Mayor Vico Sotto pagdating sa pakikitungo sa kanyang staff.
Kapag may nilabag na batas ang mga empleyadong nasasakupan niya ay talagang hindi niya kinukunsinti tulad ng mga hinuling traffic enforcers na expired ang mga lisensiya.
Yes, si Mayor Vico mismo ang gumawa ng surprise inspection sa mga traffic enforcers sa Pasig kaya walang lusot ang mga ito.
Sinabi ng alkalde sa harap ng mga opisyales at empleyado ng gobyerno na hindi sila exempted sa parusa kapag nahuling nagmamaneho ng walang kaukulang dokumento, expired at walang lisensya.
Sa isang panayam sinabi ni Mayor Sotto na, “Hindi tayo papayag na may impunity sa ating mga ranggo. Kung tutuusin, mas mataas nga dapat ang inoobserbahang standards ng mga kawani ng pamahalaan.”
Bukod sa hinuli at tinikitan ay kinumpiska at in-impound din niya ang sasakyan ng mga ito.
* * *
Sa ginanap na huling pagdinig para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN nitong Lunes ay maraming netizens ang humanga sa pagiging kalmado at magalang ng Presidente at CEO ng network na si Carlo Lopez Katigbak o CLK.
Ito’y sa kabila ng lahat ng batikos sa kanya ng mga kongresistang nagtatanong tungkol sa diumano’y violations ng kanilang network.
Maging si Cong. Mike Defensor ay nagsabing pinupuri niya si CLK sa maayos nitong pagtanggap sa lahat ng pagkukulang ng ABS-CBN.
Kaya naman trending si Sir Carlo dahil sa dami ng comments ng netizens patungkol sa kanya.
“I really admire how President and CEO Carlo Katigbak of ABS CBN handle the situation in Congress.”
“Got to give it to Carlo Katigbak, the guy is very composed and classy.”
“Can we all agree that Carlo Katigbak is the CEO that every employee wishes they have?”
“Sir Carlo Katigbak, pa share ng meditation and anger management techniques. Lol. How to be that zen po?”
“Ano bang iniinom ni Carlo Katigbak na pampakalma. Am really curious how he can keep calm for 11 hearings only to be grilled and bullied for 8 hours each Am just reading tweets and my BP is through the roof.”
Maikuwento ko na rin bossing Ervin, bago palang noon si Sir Carlo at hindi ko naman siya kilala personally dahil pumupunta lang naman tayo sa ABS-CBN kapag may events, pero alam kong napakabuti niyang boss.
Isang araw na nasa ABS-CBN kami para sa isang event at naghihintay ng elevator, bumukas ang isa sa mga ito na may sakay na tatlong lalaki, dalawang marshall sa magkabilang tabi at nasa gitna si Sir Carlo.
Siyempre hindi ko pa naman siya kilala that time kaya pumasok kami ng isa ko pang kasama pero pinigilan kami ng marshall at sa susunod na lang daw kami sumakay.
Ngunit pinigilan sila ni Sir Carlo at pinapasok na kami sabay smile sa amin. So, pagbukas sa 14th floor, lumabas kami at nagpasalamat.
Pagkalipas ng ilang linggo ay inanunsyo na siya pala ang bagong Presidente at CEO ng ABS-CBN, siya pala si Carlo L. Katigbak na nakasabay at nagpasakay sa amin sa elevator.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.