John Lloyd nag-ala-Charlie Chaplin: Ayokong maging diktador...o manakop ng kahit sino | Bandera

John Lloyd nag-ala-Charlie Chaplin: Ayokong maging diktador…o manakop ng kahit sino

Ervin Santiago - July 07, 2020 - 10:04 AM

 

“IKINALULUNGKOT ko, pero ayoko maging diktador. Hindi iyan ang gusto ko.”

Ito ang mga katagang binitiwan ni John Lloyd Cruz sa isang video na inilabas sa social media matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasabatas ng Anti-Terror Bill.

Nagmula ito sa 1941 American movie na “The Great Dictator” under British actor-filmmaker Charlie Chaplin na nagsilbi ring parody ng German dictator na si Adolf Hitler.

Ang Tagalog version nito ay mula naman sa writer-theater actor-director-activist na si Rody Vera.

Isa si John Lloyd sa mga celebrities na nakiisa sa pagbuo ng nasabing protest video na idinirek ni Chuck Gutierrez na mapapanood sa Voyage Studios Facebook.

Dito makikita si Lloydie na may pekeng bigote na naging trademark na ni Hitler, ang main character na ginampanan nga ni Charlie Chaplin sa nabanggit na American satirical film.

“Ikinalulungkot ko, pero ayoko maging diktador. Hindi iyan ang gusto ko. Ayokong mamuno o manakop ng kahit sino,” ani John Lloyd.

Isa pa sa matapang na nagpahayag ng pagkontra sa pagsasabatas ng Anti-Terror Bill ay si Direk Joel Lamangan. Sa protest video, ito ang kanyang sinabi, “Mga kababayan! Huwag kayong bumigay sa mga hayop—mga taong namumuhi sa inyo—umaalipin sa inyo—hawak ang inyong leeg—nag-uutos sa inyo–kung anong dapat isipin at damhin!”

Ayon naman sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez na isa ring kumontra sa ATB, “Ang buhay ay maaaring maging malaya at maganda, pero tayo’y naligaw ng landas.”

“Ang pagdurusang laganap ngayon ay dulot ng kasakiman, kapaitan ng ilang takot sa pag-unlad ng sangkatauhan. Ang kapuotan nila ay lilipas din at papanaw ang mga diktador.
“Ang kapangyarihang inagaw nila ay babalik sa mga tao. Sa kabila ng kamatayan ng marami, ang kalayaan ay di maglalaho,” ang mensaheng binanggit ng iba pang personalidad na nakilahok sa video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huling bahagi nito, humirit si Jasmine Curtis Smith ng, “Mga kababayan, sa ngalan ng demokrasya, magkaisa tayo!”

Inulit-ulit naman ang mga katagang “magkaisa tayo!” nina Agot Isidro, Iza Calzado at Glaiza de Castro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending