MRT3 walang biyahe bukas, Linggo | Bandera

MRT3 walang biyahe bukas, Linggo

Leifbilly Begas - July 03, 2020 - 12:00 PM

WALANG biyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit 3 bukas at sa Linggo.

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero, 90 bus ang bibiyahe bukas sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Ang unang bus ay aalis ng alas-5:30 ng umaga at ang huling biyahe ay alas-8 ng gabi.

Ang mga pa-southbound ay maaaring sumakay sa North Avenue station at Quezon Avenue station. Ang babaan naman ay sa Ayala station at Taft station.

Ang mga pa-northbound naman ay maaaring sumakay sa Taft Avenue station at Ayala stations, ang babaan ay sa Quezon Avenue station at North Avenue station.

Hindi bibiyahe ang mga tren ngayong weekend upang mapabilis ang pagpapalit ng mga riles na target matapos sa Setyembre.

Bukod sa Hulyo 4 at 5, wala ring biyahe ng mga tren ng MRT-3 sa Agosto 8-9, 21-23 at Setyembre 12-13.

Kapag natapos ang pagpapalit ng riles ay unti-unting pabibilisin ang takbo ng mga tren. Mula 40 kilometro bawat oras ay iaakyat ito sa 60 kilometro bawat oras sa Disyembre. Dahil dito ay iikli ang paghihintay ng mga pasahero sa pagdating ng mga tren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending