outbrain

Resbak ni Ion sa nagsabing bading na rin siya: Upong Koreano bakla agad? Mga ul*l!  

By Ervin Santiago June 30,2020
share this

Resbak ni Ion sa nagsabing bading na rin siya: Upong Koreano bakla agad? Mga ul*l!  

By Ervin Santiago June 30,2020
share this

PALABAN na rin ngayon sa bashers ang boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Isa-isang sinagot ng binata ang mga malilisyosong banat ng kanyang haters sa social media, tulad ng komento na nahawa na raw siya ng kabaklaan kay Vice.

Nagsimula ito nang mag-post si Ion ng kanyang mirror selfie photos sa Instagram kahapon at ibandera ang bagong kulay niyang buhok. Kuha ito sa loob sa isang salon. 

Sa nasabing litrato, makikita ang dyowa ni Vice na naka-cross legs habang nakaupo. Dito na nagkomento ang ilang netizens na mukha na rin daw bading ang isa sa mga It’s Showtime host.

 

Hindi naman ito basta pinalampas ng binata at sinagot ang mga bashers ng, “Upong koreano bakla agad??? Mga ul*l hahahahaha.”

Isang IG follower din niya ang nagsabi na malamang daw ay siya na ang “next BB Gandanghari” na ang tinutukoy ay ang dating aktor na si Rustom Padilla.

Bwelta naman ni Ion sa kanya, “Kamuka mo aso mo!! Wag naman sana pati ugali sayang ang aso!”

Sinagot din ni Ion ang isang nagsabi na, “Lutoooo naaaa ang adobo… wait! Konting paminta pa nga.” Ang salitang “paminta” ay isang gay lingo na tumutukoy sa isang bading na kumikilos na parang tunay na lalaki.

Sagot sa kanya ng BF ni Vice, “Aba nakapag luto ka ng adobo?? Ubos naba ang basura sa brgy nyo?? Hahahaha.”

Resbak naman niya sa isa pang hater, “Isa pa tong mukhang tarapal ng moto! Pero wag na ikaw alala ikaw may paki nabang kasi lagi ulan ngayon ok?”

Hirit pa niya, “Ano wala naba?? Patunaydayo wala pala ako mapapala sa inyo. hahahahahaha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending