outbrain

Kris sa pagbabalik-trabaho: OK lang makaramdam ng takot, it’s OK to start over

By Reggee Bonoan June 30,2020
share this

Kris sa pagbabalik-trabaho: OK lang makaramdam ng takot, it’s OK to start over

By Reggee Bonoan June 30,2020 - 01:47 PM

KRIS AQUINO

PLANTSADO na ang pagbabalik sa telebisyon ni Kris Aquino via TV5 o Cignal TV.

May natanggap kasi kaming mensahe na nagtatanong kung ano ang mga gusto naming ibatong question kay Kris para sa muli niyang pagharap sa media isa sa mga araw na ito.

May isa namang nag-post kamakailan sa social media ng, “#KrisAquino’s comeback weekly talk show #LoveLifeWithKris premieres July 25 Sat 5pm on TV5, blocktime #PositiveExposureProductions.”

Pero sabi ng aming source, hindi pa final ang title ng show ni Kris. Hindi na kami nangulit pa kung ano ang babaguhin, ang mahalaga ay sigurado na ang pagbabalik ng Queen of All Media sa TV.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay binanggit ni Kris sa kanyang Instagram post na may shooting na siya bukas, Miyerkules  pero hindi niya binanggit kung para saan ito.

“Read this quote: ‘It’s OKAY to START OVER, It’s OKAY to REBUILD and It’s OKAY to be a LITTLE SCARED.

“Shoots begin tomorrow, just to slowly get me back into the groove, so to calm my nerves & entertain me (because may mga guapo/cutie pie na crush ko, and stylish women w/ perfect posture & beautiful skin to inspire me in compelling roles & exciting stories) natapos ko ang 60 Days Designated Survivor and Money Flower. Both were SUPERB!

“Now choosing among HYENA, VAGABOND, HIGH SOCIETY, PRISON PLAYBOOK, or DOCTOR PRISONER – all are available on @netflixph. Do you have K Drama suggestions for me?  Medyo serious, mga may pinaglalaban, and may unexpected plot twists ang talagang nakaka hook sa ‘kin. I’ll be waiting for your recommendations,” caption ni Kris sa kanyang IG post.

                          * * *

Grabe ang BL o Boy’s Love series na usung-uso ngayon dahil halos lahat ng tungkol dito ay nasa social media na ngayon.

 Tulad nitong “2gether The Series” ng Thai actors na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na napapanood nang libre sa iWant.

Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans sa buong mundo para sa tandem nina Bright and Win dahil sa malakas nilang chemistry.

Nakipag-collab ang ABS-CBN at Thai content company na GMMTV para mapanood ang Tagalized version nito sa iWant gabi-gabi. Tungkol ito sa college chick boy na si Tine (Win) at sa masugid na baklang manliligaw nito na si Green (Korawit Boonsri).

Upang matigil ang pag-aaligid ni Green, mapipilitan si Tine kasama ang kanyang mga kaibigan na humingi ng tulong mula sa sikat at misteryosong gitarista na si Sarawat (Bright) at pilitin itong magkunwari bilang kasintahan niya. 

Samantala, dahil sa lakas ng tandem nina Bright Vachirawit at Win Metawin ay gusto nilang dumalaw sa Pilipinas para personal na mapasalamatan ang Pinoy fans nila na tumangkilik sa kanilang series kapag may go signal na sila.

 

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending